Byaheng Bicol to Manila

Ask Lang po. Pwede na po ba ibyahe ang 1 month and 6 days old na baby? Mga 15 hrs po yung byahe. Tska pwde din ba sa aircon na bus? Kakayanin niya rin po kaya yung lamig? Salamat sa mga sasagot.

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

as much as possible po wag po muna igala gala ang baby lalo na at halos unanh buwan nya palang sa mundo, di pa fully develop ang immune system nya. wala po yan sa binyag binyag kahit pabinyagan nyo ng maaga baby nyo kung halos 1 o 2 buwan palang sya di parin fulky develop immune system nya. tska po delikado magbyahe ang mga baby ngayun gawa ng virus sa paligidm better be safe nalang po

Đọc thêm

Mamshie, depende po sayo.. Kung naniniwala ka na need muna binyagan bago ibiyahe ang baby.. Kasi ako wala kaming kasama ng baby ko sa bahay pagkapanganak ko my hubby is working abroad so dalawa lang kami kaya kasama ko ang baby ko sa lahat ng puntahan ko kahit sa palengke.. Tayong mga mother naman kasi mamshie ang magdedesisyon nun for our little one's 🙂

Đọc thêm
Thành viên VIP

Actually po hanggat maaari 2-3months po ang pwde byaheng mahaba kay baby.. Saka ok lang naman po yung aircon kay baby basta yung air freshener sana sa bus is di gaano matapang yung amoy nakkasama po kay baby yun.. Kung sa lamig naman po coveran lang ng mabuti na hindi talga sya malalamigan :)

3 months na si baby nung nag decide akong ibayhe from bicol to Manila. Since di pa sya binyag pumasok muna kami sa simbahan bago kami umalis. Kailangan lang naka overall si baby and extrang kumot para di lamig in. Tapos controlin lang yung aircon sa taas para hindi subrang malamig.

Siguro sis wag na muna. Kawawa naman si baby. Pahinga na lang muna kayo sa house lalo na ngaun na may NCoV na kumakalat ngaun. Kung ano man ung reason bakit need nio umalis for sure maiintindihan naman nila kung di ka makakasama.

For me sis, No. Baka kasi mabigla si baby, 1 month and 6 days palang. Mahirap kasi magbiyahe ng may baby tapos ung pollution pa mahina kasi immune system nila nyan baka magkasakit at lamigin sya.

Kung private, ok naman pero if mag commute with the NCov na meron ngayon, suggestion wag na. Kawawa ang baby. Buti sana kung plane na minutes to 1 hour lang.

Wag mo muna po sis igala si baby kasi mahina pa antibodies ni baby na pang protect sa sakit. Baka po mahawa po ng ubo at sipon pag iginala mo po agad

Thành viên VIP

sana wg na po kakaawa naman po si baby kng bus lang ang sasakyan nyo baka my mga maysakit dun mahina pa po kasi ang panlaban sa sakit ng baby.

Thành viên VIP

Wag muna mamsh napakalayo nun saka may virus pa na lumalaganan tapos aircon pa sasakyan niyo. Mahina pa immune system ni LO