99 Các câu trả lời
yes po nararanasan ko po ngayon yan .. kahit po kapit bahay namin sinasabihan ako na laging maglagay ng proteksyon .. naging kampante lang ako nung binigyan din nila ako ng bala ng baril na nakabalot sa pulang tela .. everytime na may kumalakuskos or naglalakad sa bubong nilalagay ko lang un sa tyan ko at agad namang nawawala ung naglalakad sa bubong namin .. nung bawang at asin lang kasi hindi effective laging may mabigat na paang bumabagsak sa bubong .. tipong magigising kana lang sa gulat pero now hindi na ganun ka grabe at nakakatulog na ko ng maayos ..
Nung una dipo ako naniniwala. Pero nung naexperience ko na naniniwala nako. Kasi nung 10 weeks pregnant nako madalas akong binabangungot na may naglalakad lakad sa labas ng bahay namin at paikot ikot sa tapat ng bintana ng kwarto namin ng Hubby ko. Dalawa pa naman bintana ng kwarto namin. Then kinabukasan nagkwento yung bayaw ko na nagising sya ng 2 am kasi may palakad lakad daw sa labas ng bahay namin at parang pinipilit sumilip sa bintana kaya lumabas sya. Then nakita nya tumakbo daw sobrang bilis. It happened 3 times sakin. Sobrang creepy. Haha
yes mumsh naexperience ko yan recently lang while im pregnant , mag 7mos na tummy ko pag don ako natutulog sa bahay ng kapatid ko bigla may bumabagsak sa bubong tapos tatakbo kumukuskos ung kuko sa yero thrice ko siya na experience pero don lang palagi sa house ng sisters ko. tapos pag nagising sister ko dahil papasok sa work grave yard duty pag labas niya nay itim na ibon sa labas. well wala naman masama maniwala asin at bawang lang palagi at asin sinasaboy sa bubong at sa bintana. anyways pray lang may the lord always protect us.
hi momshie sakin nmn dahil nd ko kasama asawa ko mama at papa ko lng kasama ko c mama naglalagay sya ng itak or walis tingting sa mga bintana namin. tas pag weds at friday at lalo n kabilugan ng buwan nag hahagis n ng bawang sa bubong kasi dun daw malakas cla. tas sa may tapat ng pusod ko nilalagay ung pangontra ko ung bala na nakabalot sa pulang tela. tas minsan tinatakpan ko ng itim na tela ung tyan ko. un try mo kasi dito samin lagi akong binibisita ng titik at aswang kaya laging ganyan ginagawa ng mama ko.
Nung nagbubuntis ako hindi ako naniniwala sa mga aswang hanggang sa nanganak ako at naiuwi ko na si baby sa bahay. Dun namin napansin na may dalawang umaaligid aligid na magasawang uwak sa bahay at kinakatok ung bintana namin na parang gusto pumasok nakakatakot kasi ang lalaki nila. Kaya ang ginawa namin nagsaboy kami ng asin sa labas at naglagay sa paligid ng bahay ng bawang at buntot ng pagi sa loob ng bahay. Ayun kala ko di totoo after ilang days nawala na ung magasawang uwak.
sa first baby ko s probnxa p kc kmi nkatira nun advise ng mtatanda lagyan daw ng black n tela tyan mo s gabi pra di mkita ng tik2 ung baby, ska wag titihaya pghiga mo kc nkaharap ung pusod s atip madaling mhanap ng dila nla😁. sinunod ko nmn matatakutin kc ako. pero nung 2nd baby ko khit my bukas na part s atip nmn kc inayos ung bhay di ako nttakot nkkatulog akong maayos. pglaki ng mga babies ko c panganay mttakutin di nanonood ng horror while ung 2nd mtapang gusto mga horror movies😀
Ako hindi talaga naniniwala. Pero eto na-experience ko nung buntis ako, dito samin ako natulog, ako lang mag isa sa kwarto, biglang may bumagsak na parang malaking ibon sa bubong ng garahe na katapat ng kwarto ko sa 2nd floor tapos biglang parang may bumagsak ulit sa bubong na ng kwarto ko, pakiramdam ko parang tumalon pataas yung nabagsak, nasabi kong parang ibon kasi parang pumapagaspas yung pakpak sa yero. Hindi ko nakita pero pakiramdam ko talaga parang malaking ibon.
sa kin poh na experience ko ng 3 months pa lang c baby sa tummy ko ginawa namin kada sulok ng bintana namin may bawang at may sinabit kaming itak sa bintana tapos nagdikdik ako ng bawang at hinalo sa may asin tapos ibalot sa itim na tela kahit maliit lang gawin mo tapos lagyan mo ng pardible tapos ilagay mo sa bulsa ang rosary at pray yun lang ginawa ko simula nun di na nagparamdam yun and maglagay pala kayo ng ilaw sa labas pagdating ng gabi pailawan niyo
hi...no need to doubt about tiktik o aswang.kc po TOTOO Ang existence nila.. specially kapag NASA rural areas ka .o kahit nga NASA city ka na.. ingatan nyo po baby nyo s tiyan.. meron po babies na patay dw ng ilabas.. kc po naaswang un nun NASA tiyan pa.. I always experience un pagbagsak ng kng ano sa bubong ng bahay.aakalain mo n pusa but after ng bagsak Wala na maririnigi na yabag.. aswang po un..lagyan nyo bawang tiyan nyo.bintana n rin
Ako inaaswang ako dati pero naglalagay ako ng mga pangontra. naglagay ako ng mga bible pati rosary sa mga bintana. tpos nagkukumot ako lagi tpos yung mga dark color sinusuot ko tpos pinantatakip ko sa tyan ko para di nya maamoy o makita na may baby sa tyan ko. tpos magsaboy ka ng asin sa bahay pag magdidilim na. pero pinaka the best is magdasal ka palagi hindi yung kapag inaaswang ka lang magdadasal :)