Marriage Finances

Hello, may ask lang po ako about who should handle finances in marriage. For starters. Way back 2018, I met my boyfriend now my husband. We both work at a BPO company, ever since hindi ako nag tatanung about his finances kahit mag bf gf pa lang kami. Not knowing, may business pala siya before pero nabaon sa utang,magaling naman siya sa pera, nalugi lang dahil sa mga business partners, hindi niya lang sinabi sakin kasi nahihiya siya. Pero may time na kaliwa kanan na kasi yung singil kaya nag sabi na siya sakin. Ako naman I have savings on my own, I'm thrifty. Kinasal kami Dec 2021. So nag usap kami ng husband ko, na tutulungan ko siya mabayaran lahat ng utang niya, which we did. Kung maging record keeper ako, ako yung halos nag bayad nh utang niya. Pero inaalam niya kung ilan ang pera ko palagi , para daw ma budget namin, lived in na kasi kami noon. Mas malaki ang kinikita ko kesa sa husband ko upto present. Hanggang sa siya na humahawak ng pera ko, which is okay naman sakin, kasi hindi naman basta basta kung san napupunta, food, shelter etc.. .Pero lahat kasi ng sweldo ko kinukuha niya. He's a good provider, pero ngayon kasi na natapos na namin bayaran lahat ng utang niya, tapos mag kaka baby na kami. Gusto ko sana ako naman mag handla ng finances ko. Bale siya ang humawak ng pera ko for the last 4 yrs. kasi puro bayad sa utang, kaya every time na may gisto akong bilhin nag papaalam pa ako sakanya, ako wala naman akong pakealam sa pera niya. hindi ko nga alam kung mag kano ang pera niya, Ngayon na mag kaka baby na kami,may bago kaming business , na siya din nag hahawak ng pera, nakaka luwag luwag na. gusto ko ako naman humawak ng sarili kong pera. Pero bakit, sabi niya pag ganun daw wala na daw akong trust sakanya. nag sself pity siya. nag tatampo siya pag tina try ko na hindi sabihin sakanya yung kung magkano ang na sweldo ko.

2 Các câu trả lời

try to find a way on how to explain your side sa kanya. wala naman kasi mapapala kung mag self pity siya. ibalik mo question niya kung siya ba walang tiwala sayo when you have your own money. sa question na kung sino dapat maghandle ng finances, depende yan sa usapan niyo as a couple. in our case kasi, kanya kanya kami ni hubby pero sa expenses hati naman kami, and may savings din kami together at the same time meron own savings na hindi naman namin sinisilip. minsan tho, tinatanong niya ako kung magkano ipon ko which i don't mind answering.

Open communication lang mommy. Baka sa part nya ang dating natatapakan ego nya akala nya wala ka ng trust. Pero sa part mo naman gusto mo lang mag manage ng sarili mong pera. Usap lang kayo mabuti para magkaintindihan.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan