15 Các câu trả lời
nakaka excite mamili ng gamit. heheh ako april 30 edd ko. baby boy din. kaso meron akong pamangkin na lalakeng twins. lahat ng gamit ng baby ko sa kanila mang gagaling doble doble pa. 😅 kaya di na ko namili.. waiting nalang lumabas si baby😍❤️
April 28 here mi! Same thoughts kaso minsan naiisip ko parang maaga pa and kulang pa kasi sakin 😅 iniisip ko naman pag nakompleto ko na mga kailangan malabhan tsaka nalang ako maglaba. Okay lang din ba pag washing machine? May naka try na kaya dito?
Pwede din sa washing machine, may handwash cycle din naman na option para gentler.
same tau edd sis☺️ balak ko kataposan na mag laba ng gamit ni baby kasi need pa plantsahin pag katapos para by end of feb maready na haha mas okay na yung maaga wlaa din nann ako gingawa sa bahay😅
April 03 edd ko mii, nag unti unti na ako labhan yung ibang mga baru baruan ni baby then unti unti rin ako namimili na ng mga gagamitin nya sa araw araw bukod sa mga diapers hehe. Btw Baby Girl sya
Sana All Na Lang Talaga Girl 🥺 Boy Po Kse Yung Akin
better Po katapusan ng January makapag laba na Tau same Tau ng EDD 😊 un Po kasi Sabi sakin 7mons dpat ready na Ang lahat plantsahin lahat ng gagamitin ng bata..
April 24 EDD ko. Ngaun palang naglalaba nako. mas okay na early kesa late kase di mo alam mga mangyayare sa susunod na araw, atleast ready lang tayo ☺️
same tayo nang edd mi april 25 din ako pero dipa ako makakapaglaba may kulang pa kasi sa gamit nang baby ko pero sa baru baruan kompleto na sya ☺️
april 21 edd ko mi 😙 mga Last week na din siguro ako ng January maglalaba , para Feb ay Plantsa nalang ❤ at wait kay Baby 😍😍😍
hello po saan nyo po mostly binili mga damit esp onesie? saka ung tulugan ni baby? hehe if shoppee po, pwede po malaman ung store slamat po🤗
Sa deptartment stores po. Maganda yung St Patrick brand, organic. Meron din sa H&M na onesies, bumili ako a few nito. Hindi pa ko nakabuy sa shopee unless official brand kasi gusto ko mahawakan yung material.
hello April 20 po Ako baby boy din nag start na Ako maglaba para Hindi na hassle pag hirap na gumalaw 😅
Rosemarie Jamin