16 Các câu trả lời
Kung parang dull ache cramps or parang dysmenorrhea pero hindi lang ganoon kasakit, I think it’s normal kasi naggive-way para sa paglaki ni baby. Pwede din pong gas pain o may hangin sa tiyan. Normal lang din po yun. Huwag pong maglalagay ng efficascent oil or kahit ano sa tiyan para ma-relieve or mawala ang pain. Hindi po ito maganda para sa baby. Kung may kasamang bleeding, hindi po normal. Pa-check po kayo sa OB. Kung matagal mawala or nagpprogress ang pain/pananakit, hindi po normal. Pa-check po kayo sa OB.
ganto rin naranasan ko mommy simula 5 weeks Ang tummy ko. ni laboratory ako Sabi ng ob ko kaonting UTI lang Naman daw at Hindi na kailangang mag antibiotic niresetahan ako ng OB ko ng duphaston pang pakapit 2x a day tsaka bedrest.. nagbawas talaga ako sa gawaing bahay at nd ako ngbbuhat mabigat..ngyong 13 weeks na tummy ko nd n nasakit puson ko. . pa check up Kpo muna mommy para sure
Saken mamsh, Sumasakit naman yung puson ko 1st trimister ko parang rereglahin ako pero pa minsan² lang nman. Nag research ako bakit sumasakit eh, nag aadjust daw yung uterus natin. Pag tungtung ko ng 2nd trimister nawala naman. Pero pag everyday sumasakit sayo mamsh pa check-up ka nlang.
Nagpa check kana po ba momsh? Maaari kasing mababa yung kapit ni baby. Yan din yung naranasan ko mga about 6 weeks yung tyan ko then nagpacheck ako at pa ultrasound na din, then nagtanong sakin yung ob ko if sumasakit ba puson ko and I said yes kaya niresitahan niya ako ng pampakapit.
Sinasabi ko kaagad sa OB ko pag sumasakit puson ko para she can advise me ano pwede gawin or inumin. Pa check up ka po. Nanotice ko lang na depende sa sakit nagbbase si OB ko, papadescribe nya sakin anong level ng pain at kung saan mostly sa puson nag ooccur.
pacheck up ka mami.. ako din ganyan.. akala ko dahil lang sa pag bubuntis ko.. hanggang sa nag spotting na ako.. chaka ako nag pa check up.. sobrang taas ng uti ko.. kaya niresetahan ako ng pampakapit at antibiotics ng 1 week..
sumakit din puson ko dati during 1st tri. na akala ko my dysmenorrhea lng ako .. i do have spotting also na half din ng panty liner ko .. ayun pinatake ako pampakapit ng ob ko ..
Pacheckup ka po mommy para ma laboratory po kayo. maari pong UTI kapag masakit sa may bandang puson. or pwede rin sign of pregnancy lang.
Pacheck up kna Mamsh para makita yung status, ako kasi niresetahan ng pamapakapit kasi may masakit din sa puson ko nung una.
Pa checkup ka po mamsh kasi nung buntis pa po ako sumakit din puson ko tapos niresetahan po ako pampakapit. Keepsafe po!
Gladys Despolon