27 weeks & 1 day preggy momshiee❤️
Ask ko lng po if natural lang yung sobrang hingal?

Momshie. Ugaliin ang pagkakaroon ng tamang postura ng katawan. Gumamit ng mga pregnancy belts kung kailangan upang matulunga ilayo ang uterus sa diaphragm. Matulog nang may unan sa itaas na bahagi ng katawan upang mailayo ang uterus sa lungs. Gumilid ng kaunti sa bandang kaliwa upang hindi maipit ng uterus ang ilang ugat sa puso. Aralin ang Lamaze breathing, ang paghinga na ginagamit sa panganganak upang mabawasan ang nararamdamang sakit. Magpahinga kung nakakaramdam ang hirap sa paghinga. Magpakunsulta sa Duktor. Kung nakakaramdam ng malalang hirap sa paghinga, magpakonsulta sa duktor. Kahit kadalasan na natural ang hirap sa paghinga ng mga nagbubuntis, may ibang kondisyon na kinakailangan ng paggamot. Kung hindi na kumportable ang pakiramdam, agad magpa-konsulta sa mga eksperto upang masigurado na ligtas ang nagbubuntis at ang bata na dinadala nito.
Đọc thêm