27 weeks & 1 day preggy momshiee❤️
Ask ko lng po if natural lang yung sobrang hingal?
Pangalawang trimester Mas kapansin-pansin ang hirap sa paghinga ng buntis sa ikalawang tatlong buwan ng pagbubuntis nito. Tulad ng kadalasang sinasabi, ang paglaki ng uterus ang pangunahing dahilan ng pagkakapos ng paghinga sa mga buntis. Ngunit, nagbabago rin ang pangangailangan ng puso sa panahon na ito. Habang nagbubuntis, mas dumarami ang dugo sa katawan ng babae. Dahil dito, mas lumalala ang pagtibok ng puso. Ang pakiramdam na dulot nito ay maaaring maramdaman bilang hirap sa paghinga. Pangatlong trimester Sa mga huling bahagi ng pagbubuntis, magdedepende sa posisyon ng ulo ng dinadalang bata kung ang nagbubuntis ay madadalian o mahihirapan sa paghinga. Habang hindi pa bumababa ang bata sa bandang balakang ng nagbubuntis, mararamdaman na parang ang ulo nito ay nasa ilalim ng ribs at umiipit sa diaphragm. Dahil dito, nahihirapan huminga ang nagbubuntis. Ayon sa National Women’s Health Resource Center, ito ay kadalasang nararamdaman sa ika-31 at ika-34 na linggo ng pagbubuntis.
Đọc thêmMomshie. Ugaliin ang pagkakaroon ng tamang postura ng katawan. Gumamit ng mga pregnancy belts kung kailangan upang matulunga ilayo ang uterus sa diaphragm. Matulog nang may unan sa itaas na bahagi ng katawan upang mailayo ang uterus sa lungs. Gumilid ng kaunti sa bandang kaliwa upang hindi maipit ng uterus ang ilang ugat sa puso. Aralin ang Lamaze breathing, ang paghinga na ginagamit sa panganganak upang mabawasan ang nararamdamang sakit. Magpahinga kung nakakaramdam ang hirap sa paghinga. Magpakunsulta sa Duktor. Kung nakakaramdam ng malalang hirap sa paghinga, magpakonsulta sa duktor. Kahit kadalasan na natural ang hirap sa paghinga ng mga nagbubuntis, may ibang kondisyon na kinakailangan ng paggamot. Kung hindi na kumportable ang pakiramdam, agad magpa-konsulta sa mga eksperto upang masigurado na ligtas ang nagbubuntis at ang bata na dinadala nito.
Đọc thêmHi momshie. Normal lang po yan. Mas maraming pahinga sana at marming inom ng tubig momshie pra di ka masyadong hingal.
Queen of 1 superhero boy