Dry ang ulo?
Hello, ask ko lang sana kung normal lang to sa LO ko? Nagddry yung ulo nya tapos parang may puti puti kagaya ng dandruff. Johnson cotton touch po yung shampoo nya. 2 months old na po si LO ko.
Hello mumsh my baby also have that and advice sakin ng pedia nya is e moisturize mu yung ulo ni baby 15-30 mins bago maligo. I use virgin coconut oil for my baby and e brush mu sya w/ soap na gamit mo. Yung fine toothbrush gamitin mu mumsh. So far malapit na mawala yung sa baby ko
May ganyan rin baby ko nuon.. Sabi nila pag ng sesex daw kayo ni muster while your preggy tapos pinapasok ni mister pag labas ni baby sa ulo nya kumakapit.. Matatanggal din yan mamsh 😊 wag mo lng piliting tanggalin..
cradle cap po yan, lagyan nyo po baby oil bago maligo, pwede nyo po suklayin habang naliligo pero natatanggal naman sya ng kusa yung baby ko after 1 week nawala na yung ganyan nya
Lagay po kau oil s cotton bids i dampi nyo po mild lng pg nababad n sya pde nyo po alisin ng cotton buds dahan dahan lng po kc bk masugat..dusdos po twag dyn
Matatanggal din po yan, kapag pinaliguan nyo po si baby medyo kutkutin daw ng mahina kusa naman sya matatanggal kasi ganyan din ung sa baby ko dati.
May nabbili pong cream from mustela for cradle cap. Inilalagay siya at night and babanlawan during bath time in the morning. :)
Oilatum na sabon po try po for dry skin pwede din po kay lo yan. Ganyan din kasi pamangkin ko. Sa mercury po may nabibili.
Lagay ka po ng baby oil sa cotton tapos gently ipahid sa part ng ulo ni baby na meron niyan. Gawin po bago maligo😊
normal lang mawawala din yan.. kuskusin mo lang ng cotton tapos lagyan mo baby oil after nya maligo para lalambot yan.
Cradle cap po yan. Lagyan nyo lng po oil mga 30min before bath den mild massage... Sasama na po yan sa water