30k sahod a month as a single mom??

Hello. Ask ko lang sana kung makakasurvive ba kami ng baby ko kung 30k/month ang sahod ko monthly? Nakatira ako sa parents ko at nagbibigay ako 5k monthly.. So 25k na lang matitira samin ng anak ko. Btw, hiwalay na kami ng ex ko at ayaw kong malaman nya na buntis ako. Ayoko na kasi sakanya. Gusto ko buhayin magisa to.. Ayoko na ng sakit sa ulo at stress. Advice naman po sa mga mommy jan. Magkano po ba nagagastos nyo per month sa gatas at gamit ni baby? Di ko din po balak mag breastfeed, formula po ang balak ko para makakilos padin ako at makadiskarte sa labas. Thank you po mga mommies

9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

kasya sa inyo yan. at depende dn sa diskarte mo mas mkakatipid kayo kung hindi ka maluho..sa gatas nya importante pa dn ang breastmilk dahil bukod sa mas masustansya para sa baby mo mas mkakatipid ka dn sa gatas. pwede mo nman ipump at lagay sa bote kung ayaw mo dumepende lang sayo anak mo basta mas maganda lang na breastmilk ang iniinom nya.

Đọc thêm

hi sis. yes kasya na ang 25k para sa inyong dalawa ni baby kahit nagfoformula siya. ganyan income namin noon 25k tapos 2 adults and 1 baby, at nagrerent pa. basta gawa ka lang ng kinsenas or monthly budget plan. then gawa ka rin weekly menu mo. tapos kung ano lang need na ingredients sa menu mo, yun lang bibilhin mo sa palengke/grocery.

Đọc thêm

Hi mamsh, breastfeed is the best. You can use breast pump bago ka po pumasok and mag stock ka po sa ref, ganon kasi nakikita ko sa ibang working mom nag iipon sila ng breast milk then iwawarm lang nila ng konti tapos ipapadede na kay baby. Kung gusto mo lang naman po makatipid ng ilang buwan or taon breast milk is good.

Đọc thêm

sobra pa nga yan momsh, bsta maging wais ka lang.keri mo yan. iba nga sa halagang 350 araw kahit single mom nabubuhay nila anak nila bsta madiskarte at wais ka na nanay pedi ka pa nga makaipon dyan sa totoo lang.

breastmilk is the best for babies pa rin. maraming paraan para makapagwork ka at makadiskarte sa labas na gatas mo pa rin ang iniinom nya AT SOBRANG LAKI NG MATITIPID MO. Yang 25k mo sobra pa yan sa inyong dalawa.

kung gusto nyo di mg bfeed pwede ka bumili ng formula like bonna or nestogen mura lang yun then sa diaper mommy eq na lang dipende kasi si baby kung malakas mag gatas ung 1 kahon minsan wala pa 1week ubos na

kaya ma if di ka naman nagbabayad ng rent sa bahay. mag BF ka if kaya pero pag hindi, ikaw nalang mag adjust sa needs mo ro provide for your baby. Pag vaxx ni baby sa center ka po para libre.

Thành viên VIP

Kasyang kasya naman yun sa inyo mommy. Dibale magiging mas wais ka naman po kapag nanjan na si baby. Kapag nanay na, nagiging wais.

Thành viên VIP

kaya mo yan momsh, nabuhay ko mag isa anak ko na ang sahod ko lang noon ang 8k a month. 🤗 single mom din ako.