FTM HERE🙌

Ask ko lang sa mga Second o Third Mom's na dyan if masakit po ba manganak? Ilang oras po minsan tinatagal sa Delivery Room. Correct me if im wrong po. Thankyou.

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

masakit labor sis.. ako from 5am to 1am lapit na umabot 24hrs labor ko pero ending Cs dn kc distress c baby makakapoops na sya sa tummy ko stuck ako sa 7cm sobrang nakakapang hina tas naiyak lng ako nung sinabing need nako ma'Cs kc bumababa heart rate ni baby nastress na sya kakaire ko pero di ko sya mailabas dahil maliit sipit sipitan ko.. But now tatry ko mag Vbac since 3yrs gap naman na nirecommend ng ob ko mag labor ult at mag normal delivery nman ako..

Đọc thêm

Ako nun around 8-9cm pinasok na ako sa Delivery Room kasi sabi ko natatae na tlaga ako. Kaya Nagpractice muna kmi ni doc ng pag-ire, dalawang beses pa nga akong natae nun eh LOL tpos nakipag kwentuhan muna ako kay doc at sa mga nurses hbang naire. Mas masakit kapag tinutulak ung tiyan mo habang naire ka tpos prang mananagutan ka ng hininga kasi need mo magpigil for 10seconds.

Đọc thêm

Hahaha.. Kinakabahan kalang sis.. Just pray.. Masakit rin sis.. Pero makakaya naman.. Natural lang yan ang sakit na mararamdaman mo..kasi dyan pa lang makikita muna ang pag mamahal mo bilang isang ina.. Yakang yaka.. Pag labas n baby..mawawala narin naman yung sakit..

5y trước

Pero makakaya mo yan sis.. Pray lng ..

Thành viên VIP

Masakit maglabor at manganak pero pag nailabas super worth it. :) Ang thinking ko nung nanganak ako, nung gumagawa ng baby sarap na sarap syempre dapat pag nanganak kana same feeling din 😁...

Normal lang ang masakit. Sa akin baligtad, sa 1st baby na 20 yo ako 24hrs labor. Ngayon na 42, 13 mins lng nilabas ko na si baby. Concentrate lng sis sa instructions ni Dok.

Sa second pregnancy ko wala na ko naramdaman eh. Talagang para na lang ako nadudumi nun. Ewan ko ngayon sa pangatlo parang naninibago ako feeling ko dito ako mahihirapan

induced and painless normal delivery po ako sa panganay ko,kaya ngayon 2nd pregnancy ko naninibago padin ako at medyo kabado dahil di ko talaga naexperience ang maglabor

5y trước

Sana nga di nako mag labor.

ftm din ako.. dipende sa pain tolerance mo mabilis lang talaga... less than 20 mins lang ako sa delivery room.. Mejj nattolerate ko pa hanggang mag 8cm ako.

Hindi ka pa naman ilalagay sa DR sis pag hindi pa lalabas c baby.. Wait ka pa muna hanggang sa makita na na lalabas na talaga c baaby.

Mas masakit iyong paghilab ng tiyan na di mo alam gagawin mo dahil sa sakit at nakakapagod ang pag-ire based sa experience ko. 🤣

5y trước

Pagiri po si count to 10 lang po no sound then rest