22 Các câu trả lời
Kanya kanya kami ng pera. Nung parehas kami may work pag bayaran ng bills, paghahatian namin kuryente, tubig, renta at grocery. After mahati, wala na kami pakialam sa pera ng bawat isa. Pero since nagresign ako para mag alaga sa anak namin, nauwi ako ng probinsya naiwan sya sa Manila kaya asa muna ako sa bigay nya. Hanap nalang ako work after mag 1yr na sya.😆
Si husband kasi pag nakahawak ako ng pera di na aabot ng kinabukasan hahaha kasi lahat ng gusto ko binibili ko kaya siya na pinapahawak ko at sya na nagbubudget pinapagalitan nya na din ako pag bibili ako ng di kailangan or puro pagkain kasi baka daw makasama kay baby pag super kain ng kain 🤣
SAHM here, ever since naging mag asawa kami ibinibigay nya sakin lahat ng sahod nya, bahala na ako magbudget. Nakikita naman nya kinakapuntahan nung sinasahod nya. Never nya ko kinwestyon. Never pinaramdam na cya lang ang nagwowork
Pareho? Kanya kanya din kami ng asawa ko eh pareho din kaming may trabaho pareho salary din namin basta may toka toka kami, ung tira sa sahod pansarili na namin yon. Basta sa lahat ng bagay hati kami palagi ng asawa ko.
I think kung sino marunong humawak ng pera, samin kase kanya kanya kami pero may mga toka saming responsibilities sa bayarin or gastusin. Mas effective samin un ganon set up para hindi exhausted lahat ng pera.
Kami 2 po. Pinag uusapan namin mga bayarin. mag ggrocery ng kulang.Pagkabayad ng bahay water electricity at internet hati na kami sa natira. Tabi onte for savings. Pag may naubusan o knapos hinge na lng.
samin depende, may funds kami ni mister para sa bahay, and may sarili rin kaming pera panggastos kasi parehas naman kami may work ni mister :)
Kanya kanya din po kmi, kpg sumahod sya binibgyan nya pa din po ako.. tas sa mga bills po and needs sa household sya po gumagastos 😊
Ako humahawak pero minsan gusto ko sya nalang. Kasi minsan feel ko iniisip nya na magastos ako. Although di naman nya sinasabi haha
Stay at home ako. Binibigyan lang ako ni mister ng pera sa kanya allowance para sa work. Medyo compulsive buyer kasi si mister