11 Các câu trả lời

2 mos ung LO ko nung parang nagkaroon sya ng halak. Pinacheck namin sa pedia, sabo may plema na daw. Nagreseta ng antibiotic. At first sobranf ayoko ipainom, kahit ung mom ko and asawa ko. Kaso nakikita ko syang nahihirapan e. Mas nahihirapan akong tignan sya. So pinainom ko. Nangyari ulit nakaraang linggo, sinipon. May kunting plema, pero pinacheck namin sa ibang pedia. Di kami binigyan ng antibiotic kasi masyado pa daw baby ung anak ko who is 4mos palang din naman. So niresetahan nalang kmi ng disudrin pero iinumin lang kung nagbabara or nahihirapan huminga si LO.

Yes momshie kailangan po yun ipainom kung yun ang nireseta. Mahirap po magself medicate. Yung panganay ko 3mos palang siya non, nagkapneumonia dahil di naagapan at di napainom agad ng gamot. Para kay baby din po yon para mailabas niya yung mga plema kasi di pa sila marunong dumura.

Mahirap kasi mommy sa baby ang may ubo, kaya kung gusto mo gumaling siya agad follow your pedia, pero kung my doubt ka sa kanya hanap ka ibang pedia. Ang pedia po babies and toddlers ang specialties so I doubt naman na magbibigay siya sayo ng hindi makakatulong sa baby mo.

yung LO ko may ubo din na maplema nung nag consult kame sa Pedia niya binigyan din ng antibiotic then kailangan inebuluzer, so far maayos na LO ko nawala na ubo nya kaya tigil na sa nebulizer ung antibiotic na lang yung inuubos, my LO is 4 mos. old

Yes po kailagan po. Basta consistent po yung oras at tapusin po yung 6days na gamutan. Then continuing breastfeeding na lang po. Napapagaling po kase ang mas madalas na pagpapadede sa baby po ang mga baby na may ubo at sipon.

VIP Member

Basta po reseta ng pedia safe naman I painom, pine prevent lang po ng antibiotic at nebulization na lumala ubo ni baby at mauwi pa sa pneumonia which is very common po pag na pabayaan ang ubo ni baby.

TapFluencer

hala bkt po iantibiotic kng wla nmn sya plema pag pasecond opinion po kau patingin kau sa ibang pedia syaka ung pagpausok din pra lng un sa may hika.dapat gamot lng binigay..

Safe naman po yun momshie. 😊 and nakakatulong din yun para matunaw agad yung plema na di mailabas ni baby. 😊 as per my ob. Yun po ay para maagapan na at di na lumala. 😊

Painom nyo po. Di nman po ibibigay kung hindi nya kailangan. Kung my doubt kayo pwede nman ipasecond opinion. Nilagnat po siguro lo mo kaya binigyan ng anibiotic.

Depende po kasi kung anong klaseng ubo meron po sya, baka kahit hindi maplema eh dry cough sya or may hingal po kaya binigyan ng Antibiotics.

VIP Member

Mas maganda pag nacure agad ang baby kesa patagalin ang sakit at lumala. Ipainom mo na dahip safe yan kung nireseta ng pedia.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan