Binyag

Ask ko lang po opinyon nyo mga momsh and dads na makakabasa. Yung asawa ko at ako hindi umiinom. Yung binyag at first birthday ng bata sa Jollibee reception. Malaki laki na rin nagagastos namin dahil dalawa ang souvenir sa 6 na pares na ninong at ninang. Malaki din ang bayad sa simbahan at mismong Jollibee. Balak ng asawa ko na magbigay pa ng 2 libong pang inom sa mga kasama nya sa trabaho na ninong. Bale apat sila dun. Nagalit ako dahil hindi naman kami umiinom at parang sila kako may birthday dahil sila pa bibigyan ng perang pang inom. Gusto ko kasi na sa bata na lang yun pang gastos dahil halos lahat e utang lang naman. Nagalit sya at sinabing pera nya yun. Sinumbat nya na wala na daw sya nabibili para sa sarili nya. Ang sabi ko sino ba meron? Ako wala rin nman ako nabibili dahil bata lang gastos nya at kuryente lang dahil nakikitira kami sa bahay ng nanay ko. Tinitiis kong magutom at yung pagkaen na binibigay ng nanay ko sakin e pinapakaen ko na lang sakanya para makatipid. Pinili kong mag SAHM dahil need pa ko ng bata

36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Remind them na kids party yun 🙂 ako din sinabi ko yan sa partner ko na pag nag bday ang baby namin, di pwede ang inuman 🙂

5y trước

Oo daw. Pero ewan ko lang pag sa araw na yun na mismo. Sana hind mademonyo 😜🤣