Change of Medicine
Hi, ask ko lang po nagpalit kasi ako ng oB 10weeks pregnant na po ako ngayon ko lang nalaman, yung unang ob ko niresetahan ako ng folic acid then sa bagong OB multivitamins and calcium na gamot na po ang nireseta sa akin sabi sa akin nung assistant ni Ob, kahit wag na daw itake ang folic acid, okay lang po ba yun? Salamat po.
need ang folic acid mommy pero ako bago matapos 2nd trimester ko is pinastop na sakin yan. noon ang iniinom ko is ferrous with folic, ngayon sabi ni ob yung wala na folic inumi ko. pero nung first and half ng 2nd tri ko pinag-take nila ako non.
Okay lang yun mamshy, OB multivitamins has a content of folic acid . Folic acid is good to take up to 12 weeks of pregnancy, this is based from my OB. So don't worry just continue to take your multivitamins as well. 🙂
yung OB ko unang ni resita nya sakin folic acid pagkatapos nong ultrasound ko n ok n c baby sa tummy ko pati laboratory ko pinatigil n nya sa akin ang pg. inum.. ibng vitamins n ang ni resita nya skin.... 😊😘
Anong multivitamins ba binigay sayo? May mga multivit kasi na may folic acid. Pero Sabi ng OB Mas ok daw kung Iba pa ung folic acid at least until matapos ung 1st trimester
sa tingin ko po need pa rin ng folic. 🤔 yun po kasi need natin lalo sa 1st trimester. pero kung ung multivitamins mo po may folic na kasama edi okay na po siguro un.
depende kung anong trimester ka na, 1st trimester kasi pinaka importante uminom ng folic, pero kung ano advice ni Ob mo mas mgnda ung sundin mo momsh
Mas maganda early mag take ng folic acid para iwas problema sa development ni baby.
kung nasa multivitamins mo na yung folic acid, pwedeng wag na.