17 Các câu trả lời
Too early ka pa mommy I understand your anxiety, kasi kahit ako ganyan din nararamdaman ko ngayon lalo na at 10 weeks na ako per my LMP naka 4 na rin ako na tvs wala pa rin kahit embryo, pray lang talaga at mag tiwala sa Diyos, mahirap pero di naman na natin kontrolado to, kaya mag tiwala nalang Sakaniya. Ako namamanata ako ngayon kay Our Lady of Guadalupe dahil siya ay protector ng mga unborn
same sa akin 1st ultrasound wala pang baby balik daw after 2weeks. nakakakaba ang pag hintay.. lalo nat gustong gusto niyo na magka baby.. kaya hindi ako nun masyadong madaming ginagawa. para ma develop hehe... kaya nung bumalik na sa OB ayun may nakita na , may heartbeat na din. hhhuhu 🥹🥹 ngayon my daughter is turning 4yrs old na.. time flies! ♥️ pray ka lang din mommy...
sakin din Po mie, 6weeks Ang 2 days Wala pa Po Nakitang baby or na trace na fetal heart beat kaya after 2 weeks pinaulit Ng OB .Pina bedrest Po ako and pinatake Ako Ng pampakapit kc may spot Po Ako nun. tapos 7 weeks And 5days TVS ulit Meron na Po fetal heartbeat 💓
That's why nung nagpacheck up ako at 5 weeks sabi sa akin ng ob ko ayaw kita stressin sa kakaisip kung wala pang makita ngayon kaya she did not advised me magpatrans v agad, sa 9th week na lang daw. Thankful ako sa kanya superpractical at maalaga.
same tayo sis. ganyan ako first ultrasound ko . walang nakitang baby . wait mo after 2 weeks . pa ultrasound ka ulit then mag bedrest ka . wagka magkikilos . NOW 36 WEEKS NA TYAN KO MALAPIT NA DIN AKO MANGANAK
ganyan din Po nangyari sa akin sa 5 weeks walang Nakita c doc sa abdominal ultrasound niya kaya di na Ako nag pa trasn. V Kasi too early pa daw pinabalik Ako after 4 weeks then after that may Nakita na Po ... I'm now 11 weeks pregnant ✨🙏
normal po yan Mi.. kasi gestational sac palang makikita, but hopefully anjan talaga si baby. ako nga 5 weeks, yung sac palang yung nakikita, pinabalik ako ng Ob ko after 2 weeks at dun na ng, nakita si baby. sobrang liit ☺️
ganyan din po ako nung 6 weeks ako.... walang heartbeat at walanh embryo. pinagbed rest po ako ng 2 weeks. tapos may mga pampakapit na binigay. ngayon ko going 11 weeks na kami at may heartbeat na rin po si baby
Inom ka na po ng mga vitamins and milk mo. Be happy din po and less stress. Tapos wait po kayo ng konti pang weeks para mag pa transv. Ako para sure na sure 10 weeks ako nagpatransv.
normal yan miii kasi maliit pa si baby pag 5weeks. sakin mi 7 weeks nakita na si baby with heartbeat na. don't worry mi, and always pray lang kay God. ☺️