Huy, totally normal yan, mama! Ang tawag doon ay postpartum amenorrhea, basically, kasi pure breastfeeding ka, ang hormones mo ay nagsu-suppress ng ovulation, kaya wala pang period, at pwede pa nga rin itong mag-extend hanggang ilang buwan pa after six months kung tuloy-tuloy ka sa breastfeeding (same experience ko noon, parang nakalimutan na ng katawan ko kung ano ang regla, haha). Someone in my mum group mentioned na ang LAM o Lactational Amenorrhea Method ay technically reliable lang bilang natural family planning up to six months postpartum, pero pagkatapos nito, mag-ingat ka na kasi pwedeng bumalik ang period anytime, o maovulate ka na nang hindi mo alam. Kung magalala ka pa rin, best na magpa-check sa OB mo para ma-confirm na ok ang lahat, mas mapayapa ang isip natin pag doktor na ang nagsabi!
Đọc thêm