SSS MATERNITY BENEFIT
Ask ko lang po, medyo magulo kase talaga. Diko po alam how much in total makukuha ko na maternity benefit. Employed po ako, call center. 1year palang po ako sa company. Yung hulog ko sa sss simula July 2018 up to this month July 2019 is tag 1k plus. Nakapag pasa na po ako ng mat1 form sa hr. Due date ko po is Sept 12. Ngayon, may pumasok na sa atm ko na 32k. Diko alam kung yun na ba yung maternity benefit ko from sss? Sabi kase half palang ibibigay 1month prior delivery. Tapos 1month after manganak may matatanggap ulit. Since malaki na nga amount na nakuha ko ngayon, buo na po ba yun sa tingin niyo? Wala na po ba akong mataganggap after manganak? Aside po dun sa reimbursement ko. Tska paano po yung 105days na maternity leave. Diba po dapat bayad yun ng company? Or kasama na po dun lahat lahat sa 32k na natanggap ko? Naka leave na po kase ako kaya diko matanong sa HR :( salamat po sa sasagot ☺️