3 Các câu trả lời
Hi! Share ko lang yun nalaman ko kanina about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH. Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo, ZERO billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommies dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe at tubig, tsaka payong. 😗😘 Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? 1. Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy ID & don't forget na manghingi ng brgy. indigency. 2. Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. 3. Punta ka sa city hall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. 4. Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa city hall. 5. Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth. And yes magagamit mo na po sya once na nkahulog kana po ng buong 2400 for 1yr sa philhealth indigency. This is legit po mam😊
tanong ko lang po ano po ba dapat ilagay jan sa binilugan ko ... sabi po kasi sa SSDD knina Dapat hindi Midical Assistance nilagay jan Dapat dw po For PhilHealth daw dapat ilagay kaya hindi ako na qualified sa SSDD nung interview kasi mali daw po yung certificate of indigency ko. dapat dw mga momsy hindi Midical assistance ang ilagay jn .... Dapat For PhilHealth dw .... ano ba talaga ilagay mga momsy.???
Hi po.. Ask ko lang po kung nabigyan n b ako dati ng indigency sa hospital nung nanganak ako year 2016 ibg sbhin po ba is member na ako ng philhealth indigency... Pwede po b ulit ako mabgyan ng indigency ng philhealth s pangalawang pagkakataon? Thank u
May Bueno