East Avenue Medical Center

Ask ko lang po kung maganda po ba manganak sa East Avenue at magkano po yung naging bills niyo dun? Share niyo naman po whole experience niyo mga momshieeeez :))

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako nanganak sa east ave nung may 2019. Sa charity ward lang ako hindi kase inaasahan na manganganak nako ng 35weeks at breech si baby so kailangan ics. Kung mag private ako 85k hinihinge ng ob ko wala pa dun yung room kaya charity ako Ok naman manganak dun aasikasuhin ka nila, yun lang pag nasa charity ward ka sariling sikap ka mapa normal delivery ka or cs ka. May oras lang ang dalaw 2x sa isang araw tapos kung may kailangan ka ipapatawag mo yung bantay mo. Tatayo ka sa kama at lalabas ka ng pinto para inform ang guard na kailangan tawagin bantay. Ako noon hirap sobra kase nga cs ako. Wala pa 24hrs naglalakad nako no choice kase wala naman tutulong sayo na bantay. Bitbit mo baby mo tapos may swero ka. Tulungan kayo lahat sa loob. Malinis naman at malaki ang kwarto, yun lang tinitipid ang aircon. Super init na init ako nun kase hindi ako makaligo kahit pinapaligo nako kinabukasan after ako hiwain. Kase walang magbabantay sa baby mo, naka swero ka, sariling sikap, masakit tahi. 4 days din ako nag tiis dun. Hindi nako uulit sa charity. Yung ibang mommies na normal delivery sa isang kama 2 sila. Sa madaling araw pinapaliguan ang mga sanggol dun, may tagapag paligo naman yun lang gigisingin talga kayo lahat kase lakas boses para mag announce na magpapaligo na sya. Mahirap sin kase since madame kayo. Hindi ka makakatulog ng maayos bukod sa baby mo aasikasuhin mo eh magigising ka sa mga nag iiyakan na babies. Masungit din yung lady guard nila kala..kahit mga bantay sinisigawan nya. Kala mo hindi ka naman mag babayad.

Đọc thêm
12mo trước

Magkano po inabot ng cs nyo sa east avenue