35 Các câu trả lời

hangang 5 months lang pinainom yong folic acid, pinaubos lang sakin tapos vitamins nalang yong continue hangang manganak ako. depende kasi sa ob mo... pinalitan ko yong vitamins ko sangobion FA yong binibili ko kasi may ferrous n yon.. tapos calcium. sa umaga calcium , lunch sangobion, dinner calcium ulet. di daw pwede pagsabayin yong may ferrous at calcium , contradict daw kasi. need ng madaming calcium.... kaya twice sya pinapainom ng ob ko.... merong nabibili nakabottle na calcium tablets united home calactate 650mg.100tablets na.. one tablet morning at evening.... mas mura pero unilab din naman may gawa..kesa yong ibang brand super mahal. hangang ngayon meron pa kaya iniinom ko p din pwede naman kahit once a day lang.

VIP Member

Usually po for one month lang nirereseta para pag balik niyo po eh mapalitan if ever na di hiyang. Pero kung di ka po makakapag pa check up same vitamins parin po itake mo dahil prenatal vitamins naman po yan 😊 tapos ask niyo po ulit si ob pag nakabalik ulit kayo sakanya. Ako po same vitamins lang nung first trimester nag change lang ako nung 5 months na.

Same vitamins pa din po ang need mo Mommy. So stick with the vitamins na reseta ni OB mo. Nag a-add lang ng vitamins ang OB kung let say tulad ko na bumaba ang iron sa katawan. You can also send a message sa OB mo to consult and confirm. Available naman yan sila lagi kung may mga questions ka.

Ako since niresitahan na aq ng ob ko ng gamot hanggang Ngayon umiinum PA rin ako. Mag aapat na buwan na.kaso ikaw Di ka makalabas hubby mo nlng Pbilin mo ng gamot para my iinumin ka pa rin na continues. Vitamins rin Yan for your baby. Yun I payo ko laman. Nasasayo PA rin ang desisyon.

May number ka ba ng OB mo mommy? Better na may number ka para natatawagan or natetext mo siya. Especially during these times. Need mo siya i-ask kung papalitan na yung vitamins mo. Ako, hanggang end of 1st trimester lang yung folic tapos pinalitan niya na ng ibang vitamins.

Same here, 1st trimester lang.. Advise ni OB pg less than 4mos. Folic then 4mos onward Mamawhiz, ferrous, calcium..

Parehas po tayo momsh..9weeks and 3 days. hindi makapgcheckup sa ob.folic at bcomplex po iniinum ko..pero ginagawa ko continue ko pa din po..kasi vitamins naman po sya pero try to ask your ob tru online messages po.

Hi sis, nung buntis po ako up to 9months ako pinainom ni OB ng folic acid. Vitamins din kasi yan, even hindi ka buntis. Until manganak ako may nireseta p rin syang folic acid at calcium 😊 ingat po palagi

Mommy wag ka po magstop sa pagtake ng vitamins kasi supplement po yan kay baby. Ituloy mo lang po ang folic acid. Then magpabili ka kay hubby sa drugstore basta may reseta okey yan.

Folic acid is good for 3 months (first trimester) important po un sa brain development ni baby, then after 3 months (2nd tri) papalitan na ni OB ung vitamins mo...

You can always call or text your OB specially on the meds/vitamins na iinumin niyo kasi sila may alam what meds should you take for your baby. :-)

Câu hỏi phổ biến