Hi mga mommies.
Ask ko lang po kase hindi pa po binibigay ni employer yung mat benefits ko dapat daw po ibigay bago manganak tama poba yun? Salamat po.
mali po yan mommy, pwede nyo po ireklamo employer ninyo. nasa batas po natin, expanded maternity law, iaadvance po ni employer ang full maternity benefit bago kayo manganak. Batas po yan, sabihin nyo po sa employer ninyo or sa HR ninyo kunh hindi nila alam. pag sinabi hindi kayo bibigyan pwede kayo dumulog sa DOLE.
Đọc thêmDepende po. Yung employer ko po yung kalahati binigay before tapos yung other half binigay naman after ko manganak. Meron naman po na full na po binibigay before and meron din na after pa po. Ask niyo po HR niyo kung ano pong protocol nila regarding dyan.
depende po siguro sa employer , ako po Dec 7,2022 edd ko nakuha kona mat ben ko sa employer ko last oct 14, ubos na din 🤣🤣🤣🤣
dipende if may pang abono si employer.. if wala hintayin nyo nalang si sss mag bigay after ma pass requirements.
Depende po yan sa company mii kase ung sa company namin 2days after ko nanganak dun ko nakuha buong benefits😊
depende po sa employer kung half or buo yung ibibigay sayo. pero need po nila magbigay bago ka po manganak.
depende po sa employer mi, ask ka sa mga ka officemate mo na nanganak na if kelan nila nakuha mat nila
depenxe sa employer kasi sis meron na befire EDD binibigay na. Yung iba naman after managanak pa.
depende pa din sa company yun, ako kc employed d rin binibigay kaya antay ko lang😅
Depende po sa employer meron po after manganak tsaka po makukuha
First time mom ❤