Color of lips
Ask ko lang po if sign ba ito ng may sakit si baby kung ganito kulay ng labi nya? 1week old na pp baby ko...Sana po may makasagot?
Hindi po talaga normal na kulay ng labi ng bata ang violet. Pwede itong dahil sa cold environment (na masyado siyang nilalamig), pero kung tuloy-tuloy o hindi nawawala kahit painitin siya, baka may problema sa oxygen o blood flow niya. Better to consult your pedia ASAP.
ganyan po ung sa pamangkin q pag labas sobra itim ng labi sabi bka may problema sa kidney o sakit sa puso pero pincheckup xa lab test wala nman hanggang sa nawala na itim ng labi nia .. niresetahan lang xa ng doctor ng vits. ang taba n nia ngaun
meron din po ako nakasabay sa party ng pamangkin ko 8years old sya labi at koko nya itim or purple sbi ng mama nya sa puso daw sakit... 🙏🙏 hoping na ok bb mo momsh.checkup po agad para ma alaman po🙏🙏
normal yan...ganyan din baby ko nun bagong anak..ngaun 50 days n sya at yan sya ngaun...tsaka kung my problema malalaman mo nmn yn dhl lahat ng baby ngaun nadaan s new born screen.
normal na kulay ng labi ng bata mommy ay pink or di kaya ay pula. Pero kung violet ang kulay ng labi ng baby mo mas okay na ipacheck up mo siya. Maaaring siya ay giniginaw o di kaya ay nahihirapan huminga.
normal lang yan ganyan din ang baby ko nawala na sya pangingitim after 1 month niya sa ngayon 2 months and 4 days na sya malusog at ngumingiti na
ganyan din po baby ko premature 1.1 ko lang sya nailabas tinanong ko pedia nya bkit ganun ang labi nya sabi nya kasi nga daw payat sya eventually nawala din po
punasan mo po Ng cotton towel kase minsan Maya maitim Yan gawa sa Dede nten diba brown Yung paligid Ng nipple nten d naten namalayan na madumi pala.
normal lang yan ganyan rin si baby kasi maitim raw.. pero ngayon pink na lips nya at naglighten na color nya, puti na ni baby
May pinsan ako maitim labi hanggang sa pati mga kuko nya umitim, may sakit sya sa puso. Praying na normal lang kay baby. 😇