Sponsor sa binyag na kung pwede 1pair lang ilista
Ask ko lang po if pwede ilista lang ng 1pair sa sponsor ng ninang/ninong sa binyag? Pero ang sponsor ay 10pairs. Gipit kasi ko mga momshies. 200per head kasi. Thank you sa advice.
isa lang naman po ang ililista po sa simbahan na official ninong at ninang kumbaga sila po ang ninong at ninang sa papel ng simbahan. Yung iba pampadami lang po. 1 pair lang din balak ko. Kse gusto ko na godparents nya ung close smen mag asawa plus possible na lagi makita si baby hindi ung kukuha lang ako para pampadami ng regalo o pamasko.
Đọc thêmNaalala ko binyag ng anak ko , 5pairs ninong/ninang niya tapos pinalista kolang yung 3pairs dahil may bayad . Pagstart ng mass tinawag isaisa yung ninong ninang na nsa list , nahiya ako sa mga di tinawag buti nalang naiintindihan nila 😞
opo pwede. kami din ang dami volunteer na maging Godparents ni baby. rainbow baby na, panganay pa kasi. hehe. ang hirap naman nila tanggihan pati kasi sila inaabangan talaga ang pagkabuo kay baby.
hayaan mo sila sis. hehe. sadya sigurong marami gusto magmahal sa baby mo ung gusto nila maging part ng buhay nya. ang sarap sa pakiramdam pag sila mismo ang may gusto ung di mo na kailangan ayain o tanungin pa? sa binyag nyan ng baby namin, di naman namin oobligahin na magbigay ng regalo o pera. presence lang nila sapat na.
sa baptismal certificate po 1 pair lang talaga naka lagay na name ng ninong at ninang. 2 po anak ko nag pabinyag kami wala namn po bayad ,donation po sa church ang binigay namin
Sa binyag po ba sa ibang ninong na hahawak ng kandila kahit hndi naka lista kelangan padin po ba ng seminar or okay lang po kahit wala? Thank you po.
Ang mahal na pala 😢 200 per head po talaga Momshy.
oo momsh 200 na dati 100 lang
opo mi pwedeng pwede po yun.
thank you momsh, so bale momsh ung di ko ililista ang bibilan ko ng kandila?... ung 1 pair na ililista ko sagot ba ng simbahan ung kandila? kasama na ba dun sa sponsor?
pwde naman po