19 Các câu trả lời

ako mommy sa lying inn dapat ako manganganak, pero nagworry ako kase 40weeks na non tyan ko. mother instinc mommy sa hospital ako nanganak, kase konti nalang yung panubigan ko and na ecs ako sa private hospital. sa public mommy ok naman sya. need mo lang magpacheck up sa hospital na gusto mo and triple talaga pagiingat. yung kapatid ko sa public hospital nanganak and wala syang binayaran. ang alam ko mommy kapag 1st baby need talaga hospital, kase 1st baby mo yan e. you should try to have appointments sa public hospital.. 2nd baby ang alam kong pwede sa lying inn mommy.

dipende po mommy sa hospital na pagpapaanakan mo, yung kapatid ko kase walang binayaran. 4days sya sa hospital. pero yung kasabayan nya mababa yung 10k.

VIP Member

yan rin balak ko before momsh. gusto ko mag lying in dahil sa covid pero naisip ko 1st baby kasi pano if need ng particular equipment at wala sa lying in. Magiging atrisk pa si baby, pano if need ka iemergency CS tatawag pa ng ambulance para itransfer ka. mga ganung factor ba. kaya naisip ko parang mas maigi kung hospital nalang manganak. pili nalang po kayo ng hospital na di nag aaccept or kaunti lang ang covid patient if meron man 😊 or extra careful nalang kayo. kasi mas mahirap irisk yung life nyo ni baby

VIP Member

Ang alam ko mamshie may law na ngaun na pag 1st time mom sa mga hospital bawal po sa lying in. Lalo na nung may napabalita kailan lang na namatay ung baby and mother nanganak sa lying in. Un ung isang question na bakit daw tinanggap sa lying in e FTM na bawal na nga daw po un. For me iba pa din kasi ang OB wala akong against sa midwife syempre may lisesnya din naman sila pero syempre alam naman natin na mas matagal nag aral kung baga ang mga OB🙂

both lying in_ ok namn panganganak ko sa 1st mdyo nahihirapan kc wala pa experience pero nairaos ko namn.. sa 2nd medyo madami na akong tip natutunan paano umiri ng tama☺️.. un nga lang matagal ako mag labor don palang parang mnghihina kaNa pero tatlong ere lng labas agad c bby @41weeks_:) goodluck sayo momsh,🥰 my ibang lying in din na d ngpapaanak pag 1stym🙏💗

may mga lying-in naman po na OB mismo nagpapaanak. Tapos affiliated din sila sa ospital kaya bago ka manganak, magpapa record ka doon para in case na hindi kaya sa lying-in, madali ka lang mai-transfer. Sasabihin naman ng OB mo kung keri mo sa lying-in o need mo talaga sa ospital manganak. Pray lang tayo momshie na safe si baby kahit saan pa tayo irefer ng OB natin ☺

pacheck up k din mamsh sa ospital kc if ever lng mgkaproblema at d ka kayang paanakin sa lying in ay tatanggapin po kau sa ospital lalo na po kung first baby kc ung friend ko sa lying in sya ngpapa check up kaso ng 50/50 cla ng baby nya buti tinanggap sya ng ospital kc ng bu bluish na sya...na emergency CS po sya

VIP Member

akong pang ilang baby kona to meron ako isa sa Lying in.. pero iba kasi yng panatag ang isip mo.. sa ospital.Ibat iba bwat pagbubuntis ibat iba bawat labour.. kagaya ko nka ilang baby nako pero hirap ako mnganak.. Meron times na sa labour ako hirap kaya better na ospital na.

hanap ka ng lying -in na affiliated ng hospital mamsh kase OB din mismo mag papaanak sayo..mas malelessen pa ang bayarin kumpara sa hospital. ako nag pag qoute na sa OB. lying-in.. 18k kasama na check up pedia dr. , newborn screening at hearing test.

nku momshy sa Hospital nlang po kayo nanganak . Ako 1st time mommy din po ako . sa lying in po kc panget nangangank jn . pg nd ka kaya ittransfer ka din sa Hospital . Mas mabuti na kung 1st time mom ka sa Hospital nlang mangank .

VIP Member

no to Lying in pag 1st baby.. oo may covid sa ospital pero nka bukod paanakan don.. mas ok kesa risk mo health mo sa midwife lang..Iba prin ung may doktor.Lalot 1st baby.. matagal at masakit ang labour nyan.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan