16 Các câu trả lời

sis, ako ung baby ko iyakin talaga from morning to magdamag. Kahit na madalas ko to pinapaburp after feeding, babaw padin tulog. Oras2 kasi nagigising si baby minsan nga wala pa oras tulog nya like 15 mins lang gigising na agad tapos iiyak. Madalas din sa tuwing gising nya gutom na gutom. Madalas din mag unat habang tulog with sounds pa na parang imiire. Madalas sa gabi ganto siya. 1 mon and 21 days na baby ko pero halos wala padin pinagbago sa mood nya. Everyday routine nya ung tulog manok, iyak, dede. Grabe pagod ko. until now di pa ako natutulog ng maaus. Grabe din ka magugulatin si Lo tapos ayaw ng swaddle kumawala tlga siya. Dati pagpalit at pagpaligo nagwawala din at sobrang umiiyak. Mi mga times din na umiiyak tapos lahat ayaw nya, like hele, buhat, or lapag tapos ayaw din ng dede sakin. Grabe hirap hulihin tlga ng mood nya.

8pm-3am

ilang buwan na po baby niyo? kapag 1 or 2 months madalas gising nila every 2 or 3 hours dahil gusto dumede. Pero kapag napapansin mo na parang umuunat sila habang tulog at di nkakatulog ng maayos, may hangin po tiyan niya, try niyo po masahiin tyan niya then pedal her legs as if shes riding a bike, lalabas utot niyan 😂 ganyan din po ako sa baby ko. Lalo dati kinakabag 2am hanggan 4 am. Kapag alam kong mag 1am na, minamasahe kona tiyan niya then doing the excersice. Tyaka lagi padighayin & try to swaddle them

ganyan din baby ko.. gnawa ko every time na matutulog sya nilalagyan ko Ng hotdog(bolster) ung magkabilang gilid nya. bale pinapatandayan ko sa knya.. tapos naglalagay ako Ng unan(throw pillow) maliit lng na Pula sa bandang uluhan nya. effective Naman.. gang ngaun gnagawa ko. d na sya nagkaganyan tulad sa baby mo. ung pagiging magugulatin nman nya since nag one month sya nilalagyan ko din ung tyan nya Ng bolster. at mas okay ung may music sya para nahihimbing tulog.. effective sa baby ko..

VIP Member

iba iba ang baby, in my case, ung first 2 babies ko hindi ko hinehele or pinapatulog, pag naiinis kinakausap ko or ilalakad lakad, hinihintay kong mamungay mata at kusang makatulog, sinanay ko rin sa ingay ng TV, bata, etc para hindi magugulatin at madaling magising. Pag naman iiyak or maalimpungatan, di ko agad kinakarga, ginigilid ko lang (either left or right side), minsan kasi gusto lang magpalit ng posisyon

VIP Member

baka she is a colic baby. yung "kabag" na sinasabi. my eldest daughter was like that. around 6pm she will start crying until 9pm, everyday, when she was a month old. kabagin kasi sya. pero thats my case. best to observe her everyday and you ask your Pedia about this.

normal po mommy, swaddle mo lng Po, before sa baby ko d rin nag papalapag umabot p Kmi ng 12 ng tanghali kinabukasan tulog Manok pa rin magdamag kming nag hehele nun kahit cs ako nung 7am na asawa ko n, d n kinaya ng powers, kaya pagoda talaga maging ina😞

TapFluencer

gnyan po ang baby ko...halos paglabas po nmin nv lying in iyakin po sya gabi gabi..halos 1 month pong ganun ang baby ko..sa umaga ang himbing matulog sa gabi po iyak ng iyak..pabago bago daw po ang mga baby😊

Try mo ikomot sa knya yung nasuot mona damit.. Ganyan kc c bby noon tas may nag sabi sa akin na yun nga gawin ko tapos ayun two days na damit ng papa nya ginagawa nyang komot ayun sarap ng tulog ala ng iyak..

swaddle your baby po kapag matutulog kayo, ganyn ako sa baby ko kasi magugulatin din, nakaunan lang sya sa braso ko buong magdamag sarap ng tulog nya.

Try to use swaddle for your baby para iwas gulat. Mas comfortable ang sleep nila pag feel nilang may nakayakap sa kanila.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan