Kailan pwede bumili ng gamit ni baby?

Hello, ask ko lang. May naniniwala ba dito sa kasabihan na wag muna bumili ng kahit anong gamit ni baby ng maaga? If naniniwala or hindi, kailan po ba pwede bumili ng gamit ni baby? #babythings

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

myth lang yan. madami nagsasabi ng ganon sakin non lalo n byenan ko pero di ako nakinig sakanila dahil hindi naman nila ako bibigyan ng pambili kung pakikinggan ko sila no🙄 char pero ayun nga as soon as nalaman ko na buntis ako nagstart nako nag impok ng mga gamit pang baby like crib barubaruan kahit di ko pa alam gender kinokonti konti ko hanggang sa nakumpleto ko mga gamit bago ako manganak. ultimo baby bag ko 8mos palang tyan ko kumpleto na talaga ako may stroller at duyan pa pati mga panlaba ganyan. kung hindi ko ginawa yon tapos hinintay ko muna na malapit sya lumabas bago ako namili? sure akong di ko makukumpleto gamit ni baby ko non sis. pero tignan mo naman okay na okay naman si baby ko 2yrs old na ngayon sobrang kulit na hahaha

Đọc thêm
10mo trước

bandang huli ang sabi ng byenan ko sa asawa ko mautak daw ginawa ko na inunti unti kong kumpletuhin gamit ng anak ko literal na kumpleto at gamitin banaman lahat hahaha. hanggang tumuntong ng 1yr old anak ko kumpleto sya eh wala nako masyadong ginastos kundi diaper nalang. okay lang naman na maniwala sa pamahiin pero minsan mas need natin isipin yung papano tayo kung maniniwala nalang tayo don ang hirap kaya mamili ng isang biglaan sure akong di mo makukumpleto non at gahol na gahol sa oras.

Yung mommy ko po naniniwala pero ako po hindi sabi nya much better if 8 months na raw bumili 😅 so after po ng gender reveal nung 5 months po ko nag start na po kami mamili pero paunti unti lang po para di rin po masobrahan yung bili lalo na po sa damit kasi mabilis nga raw po kalakihan tyaka di rin po isang bagsakan gastos sayang din po kasi mga sale and mga baby fairs po malalaki po discounts. And mahirap na po kasi mag lakad lakad pag malaki na tyan kaya buti na lang po nag start kami ng maaga mamili 7 months na po ko ngayon pero pag mag mmall masakit na agad sa balakang tyaka legs haha 😊

Đọc thêm
10mo trước

+1. Same 7mos, ang hirap na po mag kikilos. Ang sakit sa balakang, kaya good idea talaga yung as early na kaya naman gawin, gawin nalang kasi ikaw din mahirapan sa huli.

Currently 7mos na ako, pero kinasal kami nung 5mos tyan ko then may mga gift samin puro puti naman din tapos nag dagdag nako ng mga kulang. Nalabhan na din at na plantsa, ang hirap po gumalaw pag nasa 3rd trimester na kaya ikaw nakkaalam sa sarili mo. Pero kung may gagawa nun para sayo kahit nasa 7-9mos na tyan mo, good for you. Sundin mo sila or mga pamahiin nila hehe. Sakin kasi walang ganon, kaya as soon as possible na kaya kopa ginawa kona. Almost ok na din sa mga essentials like oil, alcohol, wipes, cotton etc. Skl. 😁

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pag may budget na/alam na gender, pwede na bumili. Mas okay mas maaga para hindi isang bagsakan. Take advantage din yung mga sale like 9.9 sale ganon. 2023 na po pero hanggang ngayon wala naman scientific basis at walang explanation kung bakit bawal bumili ng maaga. Lagi na lang "wala naman masama kung maniniwala". Hirap bumili at mag ayos ng gamit sis pag sobrang laki na ng tyan mo. Also, God forbid, bigla ka manganak ng maaga, atleast prepared ka na.

Đọc thêm

Personally, 7-8 mos ako nagstart bumili ng mga gamit ni baby at sakin na din. Hindi dahil sa pamahiin, it's because alam ko na gender ni baby that time. Yung ibang basic na gamit ni baby like diaper, wipes, baby soap etc. inunti unti ko din kasi tinake advantage ko yung sale. Kung may budget, why not unti untiin na yung nga gamit lalo na pag may mga sale. Hindi ako naniniwala sa pamahiin personally. ☺

Đọc thêm

okay nmn n po bumili paunti unti bsta alam mo na gender wala sa pamahiin yan .. 2023 n po hndi n nten kontrolado ang mga bagay bagay mas better na early na bumili kesa nmn anjan n saka ka pa magaasikaso or kung kelan sobrang laki n saka pa maglalaba ng damit ng baby pra sa mga susunod n buwan iisipin mo nlng panganganak mo .. less worry na din po kasi pag kumpeto kana ng gmit nio mag ina

Đọc thêm

mi kung alam muna po gender and nasa 7months kana pwede na po mamili ng mga basic needs nya like diaper, wipes, cotton, alcohol, bath and shampoo gel at mga newborn barubaruan na gagamitin nya. tapos paglabas na ni baby yung mga ibang satingin mo na kulang, dun mo nalang bilhin. Ganun kasi ginawa ko mi. para sayo naman mi, betadine fem wash at maternity napkin or adult diaper.

Đọc thêm

if alam mo na ang gender and before 7 months, kse we dont know if ma premature yan o hindi. mas mabuti ng naka prepare yun yung mga nabasa ko dati. tsaka puti na baru baruan nalang bilhin mo kesa sa may mga color. yung puti pwd pa gamitin sa next baby mo.

Thành viên VIP

much better ng bumili hanggat kaya pang lumabas, kasi hindi na makakapag prepare kapag malapit na due date. esp sa baru baruan( long, short sleeve and sleeveless)mittens bootie cap socks, short and pajamas, mas gamit nila for the first 3mos or less dipende sa laki ng baby.

That's just a belief you don't need to follow that, I've started to buy my baby clothes around 5months as long as you know the gender of your baby na and kung may pambili then hoard lang ng hoard. Wag maniniwala sa sabi sabi. Your baby, your rules.