Gender
Hi ask ko lang, nagpa ultrasound kasi ako and its a baby boy.. so yung prayer namin na sana baby boy natupad din .. kaso yung friend ko nagshare na dati daw sa una nyang baby nung nagpa ultrasound sya baby boy pero nung lumabas girl daw. Possible po ba na nagkakamali ang pag uultrasound?
Usually tama na yan mommy. I was 18 weeks pregnant nung “chinismis” sakin ng OB ko na baby boy daw ang baby ko. Minsan daw kasi si baby very confident at pinapakita niya lahat. Just to be sure sis i suggest going back to your OB when mga 7 months ka na para sure. Yung friend ko kasi sabi sakanya girl yun pala boy, tinago lang ni baby yung bird niya hehe 😂
Đọc thêmAko po 5mos ako nung nagpa ultz. Alanganin pa ko na boy . Pero sabi ng ob ko hndi pumapalya ung clinic na yun at magaling ang sono. Pero andun pa dn ung baka hnd lalaki. Dahil sa mga nababasa ko dn dto na boy sa una. Then ngging babae pag inulit. Etong 7mos ko nagpa CAS ako sabay na dn sa 4D/5D ayon confirm na lalaki tlga 🤗
Đọc thêmYes, possible pa din na magkamali. Pero chances are very slim. Kasi pwede na ang nakita na 'lawit' kaya nasabi na baby boy ay finger lang pala ni baby na nakapuwesto dun banda nung ultrasound. Kaya ok din kapag sa ibang checkup after a few months, pa ultrasound ulit para makita si baby if boy nga talaga.
Đọc thêmGanyan din sakin before mamsh lumitaw sa ultz nung 22 weeks si baby na baby boy siya pero dipa ganun ka sure. Then sa pangalawa 29 weeks boy din daw nakita pero 90% lang sabi. Nag assume nako na boy tlga kase twice nman nakita na boy sana hindi na magbago hehe
Ganyan din worry ko sis kasi maaga nakita na baby boy sakin 15 weeks plang. Pero every month kasi ako may ultrasound hanggang 2nd tri ko kasi maselan ako so pinapacheck ko every month haha. Naka 5 utz ata ako baby boy talaga 🤗
Super possible po.. I have a friend po recently lang nanganak. They're expecting a girl so pink lahat ng gamit. Paglabas ni baby nya, boy pala.. Kaya ayun, damit at receiving blanket ni baby kulay pink at hello kitty hehe..
Ikaw naman nakakita ng ultrasound mo. Kitang kita ba yung balls at titi? Kung kitang kita naman hindi na naman yun magiging pepe pa. Jusko... Yung cases lang na nagiging babae pag mali ng basa yung nag ultrasound sayo
yes po. yung cousin ko sa ultrasound nya baby girl so lahat ng gamit na binili nila is color pink pero nung manganganak na pinsan ko Baby boy yung lumabas. 😂 I was with my cousin habang nanganganak sya . 😂😂
yes po possible. sa sister in law ko ganon frst 2x na ultrasound niya boy daw tapos nung 8 months na tyan niya baby girl na tapos inulit pa yung ultrasound pina 4d na nila to make it sure ayun baby girl nga talaga
Ganyan din po ako 18 weeks ako nag paultrasound sabi baby girl tpos nung 30 weeks na tiyan ko ultrasound ulit sabi baby girl tlaga pero sabi ng iba pag umitim ang leeg ang kilili sabi baby boy daw totoo po ba un
first time mum