swab test???? is it required b4 my due?
ask ko lang mga momshie...nag advice ba ang ob nyo na mag pa swab test pag 37weeks na kayo??? ob ko kasi nag advice saken...ask ko lang required ba tlga ang swab bago manganak???
Ako po nirequire ni OB kaso wala kasi talaga akong budget ang mahal kasi, tapos ngayon daw 1 week na lng validity ng swab test. May extra naman kmi na money kaso for emergency purposes yun. Kaya nagdecide ako na rapid test na lng. Nabasa ko naman na kung negative/negative ang result ng rapid acceptable na sya pero kapag negative/positive vice versa, kailangan ng confirmatory swab test. Sa awa naman ng Dios negative/negative ang result ko.
Đọc thêmYes required na daw ang Swab test. Sa ibang hospital kung wala kayong Swab test itttrato nila kayo as COVID patient na and meaning possible na double ang sisingilin sa inyo sa hospial bill. Usually 3-4days daw result ng swab test tapos sa iba 2 weeks lang tinatanggap nila na validity nung Swab Result.
Đọc thêmsabi po ni OB depende po sa place, kami po kasi probinsya, di naman ganun katalamak cases dito samin kaya di naman daw nila nirerequire sa ospital dito na magpaswab muna bago maadmit
yup mommy lalo napo kung hospital ka manganak required talaga like me po kalagitnaan ng October 37weeks nako magpapaswab po ulit ako mabuti may libreng swab dto sa lugar namen 🙂
yes po. yung ob ko naman po pinapili ako kung rapid or swab test 😊 pag may budget better na swab test mamsh para sure lang at para kay baby na din 😊
Yes. Yung ate ko nga di naman manganganak, papa check up lang sa ob kasi laging may discharges kahit di buntis nirequired magpa swab test.
opo required na swab ngaun,before ako manganak naka dalwang swabtest ako di kasi lumabas si baby sa unang swab test,hehe
yes po laht po ng buntis ay kailangan ma swabtest bago makapanganak,nkakakaba pero kailangan eh for safety narin.
yes, required sya, and protocol na yan ng halos lahat na hospital and lying in, either swab or rapid test
opo.. I'm 29 weeks pregnant.. sinabihan na ako ng Ob ko na magpa swab kpag 37 weeks na ako.