Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Please do not get offended with what I will say. Your husband does not deserve your baby. The fact na gusto niya ipagpalit yung sarili nyng anak sa iba just to satisfy his ego??? That is not a fatherly love. Its purely ego. Dapat ipagdasal nya na healthy baby nyo. Di bale kung babae or lalaki. But the fact na ipagpapalit nya? What the he**? Ako ang tangi kong dasal sa Diyos before was mabuntis ako. Trying ro conceice for 7 years dati. Finally nabuntis ako. Pinagbigyan ako ng Diyos. Now who am I pa to demand from God na gusto ko ganito gender ng baby? The fact na pinagbigyan nya ako ng chance maging nanay is more than enough for me. Second, my unborn baby was diagnosed to have Cystic kidney. Ang tanging dasal ko nanaman now is mag heal ang baby ko sa tiyan. Now after reading your story about your husband willing to swap babies juat because he want a boy, makes me so angry. Ang laki ng problema ng husband mo. Sana isipin na lang nya ung problema nya is not even a problem, if it is for him then icompare nya sa ibang nanay at tatay na may problemang tulad sakin?????? How ungrateful is he! Maam pls dont get offended. Im not bashing you. Im just stating facts. And as for you the Mom of the child, wala kang ibang dapat gawin kung di siguraduhin na maayos ang condition ng baby mo. You should not be worrying about your husband’s wants. Bring him to a phsychologists. Beacause oara sakin phsychologically soeaking my problema with what he wants to happen

Đọc thêm
1y trước

agree

Hello Momhs... your message caught my attention po... alam mo sis.. 2 months ago nalaman ko na baby girl pala ung baby namen.. kasi ang akala namin mag asawa and pati family at mga tao kala baby boy.. my husband is Arab.. and since may mga anak na sya sa ex wife nya 1 boy lang meron sya kaya gusto nya sana boy ung baby namen.. turned out na girl Alhamdulillah.. pero never kami na dissapoint sis... nong nakita ko natulala ako kasi nakita ko ung muka ni baby sa ultrasound machine.. nakakatuwa.. and ng tumawag asawa ko sinabi ko and natuwa sya though wish nya na boy pero ang sabi nga nya saken kung ano ung bigay ni God yun ang mas makakabuti sa atin.. palagi kami nag ppray na ibigay samen ung mabuting anak kaya siuro girl muna bigay ni God this time sa amin.. who knows kung naging boy eh maging pasaway sya someday diba... so sis.. pasalamat kayo ng asawa mo ang mahalaga kasi healthy si baby at lumaki sya na mabuting tao.. hindi ka bibigyan ni God ng isang bagay na makakasama sayo. . let's say boy sya un pala magiging sakit nyo sya ng ulo someday diba.. malay mo next time boy na ibigay ni God aa inyo.. never kayo mag karamdam ng dissapointment sis either boy or girl as long na healthy sila Alhamdulillah... dami jan nag wiwish mabuntis kaso di sila pinapalad diba... kuny nag ppray kayo palagi na ibigay ang best sa inyo then God has answered your prays... yan ang best sa inyo mah asawa ang baby girl baka someday maging famous person pa sya... nakakalungkot kasi baka napi feel ng baby ung dissapointment nyo sis nakakaaawa ung bata lalo connected yan sa atin mga nanay...

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hndi maiaalis yung gender disapointment sa pagbubuntis lalo na kung nag expect ka.Our ka momshie is looking for some advice and support how to cope over this matter,since sa pagkakasabi nya ay si husband ang hndi mkatanggap and nalulungkot lang si mommy dhil sa naging asal ng husband nya.mommy, talk to your husband and enlighten him that we cannot get what we want, Only God knows kung anong gender ang nararapat. Hndi pwedeng mamahalin at aalagaan nya lang ito kapag Boy ang gender,kawawa nmn ang bata. Yung issue nya na nkikipg palit sya ng baby sa kapatid nya, baka nmn joke nya lang yun since he is really expecting a boy.kaya momsh okey pang yan, Plan something for your baby, like name, fav color,cartoon characters, mga gamit. Simple things like that, which will prepare you and your husband na matanggap totally yung gender with all heart. I can feel you dhil i want girl but seems like boy ang baby nmin.. as the day goes by, na tanggap ko at now im happy and so excited na maalagaan ang baby nmin.since marami din nmn advantages kung eto ang gender ng baby nmin.accept it mommy with all heart dahil Diyo ang ng plano nyan para satin.wag natin Suwayin.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Grabe ibang comments dito, feeling perfect. Ganun talaga, minsan may expectations ang mga tao kaya nadidisappoint. Anyway, you're not alone mommy, kami ni partner nageexpect ng baby girl. Kasi parang yun na yung inimagine namin dahil dami nagsabi na baka baby girl ang dinadala ko, wala kasing kahirap hirap si baby sakin at di naman daw nagbago itsura ko, so ayun inassume na namin hehe. And then yesterday lang nagpa-ultrasound kami, turns out baby boy siya hehe. Nag-muni muni lang saglit and shinishift nalang namin yung mindset namin. Ngayon, ineexcite ko sarili ko by looking at boy outfits and baby boy photoshoots. Nakakaguilty nga kasi inisist namin na girl siya, baka nararamdaman ni baby na medyo sad kami. Kaya as much as possible, nag sosorry ako at nagtthank you nalang din kay baby kasi mabait siya sa tiyan ko. Ayun mommy, try to be positive and change your mindset nalang din. Kawawa kasi si baby baka maramdaman niyang unloved siya. Sbihin mo nalang din kay hubby na dapat maging thankful kayo kasi healthy at hindi siya naging pasaway.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Mommsieee, to tell you honestly...dapat Hindi Tayo makakaramdam ng disappointment instead be greatfull and feel blessed. Talk to your husband... Feeling that way is so childish (I'm sorry for the term) if he really wants to have a a baby boy , you both should ask or consult to your ob before conceiving.. there are ways, position and methods... But the way he acted is so childish....be thankful for that little angel and pray for the good health and safety of the baby instead being disappointed... Whether girl or boy dapat Ang priority is to see your baby healthy,safe, and happy child when she comes out... You really need to talk about it momsh to your hubby .. Kasi baka pag labas n baby Hindi nya ma feel Kay daddy Ang real love... At mag cause to ng problem in the future if he will still wish n boy.. Pray momsh for the health and safety nyo no baby... Communication is the key ... Love love love. God bless.

Đọc thêm

Sis honestly kung mapapaliwanagan lang si hubby mo d cya dapat mafrustrate sa gender ni baby nyo. Nung first time mom ako weeks pa lang si baby pinaliwanagan kami ni hubby ng ob ko na ang gender daw ni baby is nanggagaling sa sperm ng lalake kaya pinagsabihan nya hubby ko na wag ako sisisihin if ever hindi nya gusto maging gender ni baby namin kasi the sperm is compose of x for girl and y for boy. while tayong mga babae x lang or girl lang. In your case X na sperm ni hubby mo ang nakarating at nakapasok sa eggcell mo kaya girl ang gender ni baby nyo. Anyway we have two kids a boy ang a girl and we have an incoming baby boy ngayong katapusan at sa observation ko mas malapit sa hubby ko yung girl namin na anak. Goodluck sis sana maliwanagan si hubby mo kasi nakakalungkot nung sinabi mo na gusto nya ipagpalit yung baby nyo sa baby ng kapatid nya. Goodluck sis and focus on your health.

Đọc thêm
Post reply image

Pa minsan ksi mummy dahil din yan sa mga kamag-anak na nakapaligid sa asawa mo. Siguro pini pressure ang asawa mo ng mga kamag-anak kapag di bby boy ang panganay niyo. Siguro po tinutukso siya ng mga kamag-anak niya. Tulad po samin ng asawa ko di nmn po tungkol sa gender ni baby yung sitwasyon nmin. Kame nmn po ramdam ko po yung isang taon mahigit na lungkot ng asawa ko na dinadaan niya lng sa tawa. Yung asawa ko po ksi tinutukso na di maka buo, kesyo baog daw. Tiniis yun lahat na panunukso ng mga sarili niya kamag-anak sis. Pero sa wakas at naka buo narin kame sis ngayong 2021 big blessing na dumating samin ngayong taon. Kaya advice ko lng sayo sis, kausapin mo si hubby mo na wag siya papa apekto sa mga sabi² o haka² ng mga kamag-anak niya. Mas magandang maging thankful si hubby mo sis. May dahilan ang god bat niya kayo binigyan ng panganay na babae. Blessed ur family sis.

Đọc thêm
4y trước

alam mo mamsh, ang asawa ko inaasar din n baka ndi makabuo, eh 2 years pa lang kami mag jowa nabuntis ako agad, yung nang asar sa asawa ko 9years bago nabiyayaan ng anak, nagbackfire sa kanya yung sinabi niya sa husband ko, ang tagal nila biniyayaan

Ako nung una ineexpect ko talaga baby girl kc gusto ko talaga ang panganay ko babae tapos pangalawa lalake,. pero ang binigay samen ni God is baby boy. Nung unang tinanong ko si hubby kung ano gusto nyang gender una nyang sinabe lalake daw, pero nakikita nya siguro saken na gustong gusto ko talaga ng babae. Kaya ang gusto na nya din babae. Nung inultrasound na ako sabe ng ob 100% boy pinakita pa nya yung putotoy, medyo na disappoint nung una. Pero nung nakita ko na yung mukha ni baby sa screen napaluha ako kc kamukhang kamukha nya papa nya, ganun pala pakiramdam pag first time mom. At nung sinabe ko na sa asawa ko na lalake natuwa sya. Pero lage nya napapansin tsan ko baka daw nagkamali lang yung doctor kc kesyo bilog daw tsan ko. Sabe ko naman sa kanya ok naman na saken na baby boy anak naten ang importante healthy si baby.

Đọc thêm
5y trước

Ang maipapayo ko lang sabihin mo sa hubby mo na be thankful nalang, kc hindi lahat ng babae nabibiyayaan ng anak.

Gusto din ng asawa ko na boy at ako naman girl kc bihira lang sa pamilya namin at pamilya nila ang babae. I'm first time Mom too. Pero Ang pinag ppray nya lang talag ay healthy kame both ni baby kahit anong gender pa. Kaya nung nalaman namin ang gender at babae nga, ok lang sakanya kahit medyo disappointed sya basta wala lang complication at healthy c baby masaya na sya dun. Ngayong July 24 kakapanganak ko lang mas nakikita ko syang masaya lalo na pag tinititigan nya c baby o karga.. Alam ko d po matitiis ng husband mo ang baby mo lalo na pag lumabas na c baby kahit anong gender pa yan. infact mas happy at protective pa yan lalo na pag lumaki, kaya maging masaya po kayo khit anong gender pa yan as long as healthy c baby, stay safe and strong po. God will guide and bless you and your family ☺️

Đọc thêm

saamin po mag asawa wala kaming ibang gusto kundi ang magkaanak , sabi niya okay lang kahit ano ibigay ni God babae o lalake basta malusog at magkaank kame.... ang kagustuhan magkaroon ng anak ay hindi dapat pinagpipilian,hindi dapat ikalungkot kesyo di binigay ang gusto,marami naghahangad dyan na magkaroon ng anak ki lalake o babae basta may anak pero kayo na biniyayaan nagrerekamo pa.. sa halip na madisappoint magpasalamat nalang po dahil binigyan kayo ni Lord ng munting angel na samantalang ang iba hindi mabiyayaan.. mapalad po kayo at nakabuo kayo ,ang iba kahit anong gawin hindi makabuo. mas nakakalungkot po yun at mas maskit kase di sila magkaanak, kayo na nagkaroon parang ayaw pa..... mahalin nyo anak nyo at alagaan wag nyo pabayaan dahil pinaka malaking blessings yan.... sana maunawaan niyo po ito....

Đọc thêm