Magkano po ba talaga pacheckup

Ask ko lang magkano po ba talaga magpacheckup? 8weeks preggy palang ako pero yung nireseta sakin Folic Acid 30pcs lang pero siningil ako 1k ng Ob. Ayan po sa picture yung Folic acid at ultrasound ko. Sabi ng byenan ko baka kala mayaman ako kaya siningil ako ng ganun kalaki kasi ang mahal daw masyado ng siningil sakin.

Magkano po ba talaga pacheckup
181 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

sis may ginawa na kasi sayo sa checkup mo pa lang. may transv ka na. mura na nga yan eh ob + transv. sa iba mahal magpatransv sis. next na balik mo, if walang gagawin sau, dun mo malalaman if magkano rate ni ob mo. wala ka ba receipt na nakuha?

Influencer của TAP

Depende naman kung san k nagpachek up! May mga OB nga s private hospital n 1k consultation fee palang! Tas ung ultrasound pinakamura na ang 400pesos! Saka dapat tinanong mo bakit 1k binayaran mo?! At magkano b tlga yang mga pinaggagawa sau.

Thành viên VIP

Lying in pako nun pero 1k ang checkup at folic acid at obimin, pero nung nag fabella ako Walang 500 gastos ko lahat kasi ng laboratory at ultrasound ko dinadaan ko sa swa para kalahati nalang babayaran ko, at yung vitamins ko libre lang po

Mura pa po yan kung naka bili ka pa ng 30pcs na gamot. Sakin tranV ultrasound palang 1200 na, yung doctor's pf nasa 400-500. Di pa kasali yung vitamins ko 😢 buti may healthcard na ako sa company ko ngayon, laking bawas narin yun

Dito po sa ob ko . 500 check up pag May kasamang ultrasound 600 . Then nresetahan nalang ako ng vitamins at folic . Yung folic 70 isang banig 12pcs. Yung vitamins na Natalie 10 ang isa isang banig binili ko good for 6days ..

Thành viên VIP

Mura na nga yan , saka pang isang buwan na ung gamot mo , at ung ultrasound mura na rin ata , kasi ung nag ultra ako 700 e . Kada check up ko umaabot ng 1k+ . Next check up mo hingi ka ng resibo para alam mo

sa ob ko po nung unang check up ko 300 po ang bayad, ultrasound 800 kaya 1100 po binayaran ko. dapat momsh nag tatanong ka muna kung mag kano po ang check up pati ultrasound para di po tayo magugulat sa babayaran.

Influencer của TAP

mura na sis ang 1k..pag private kc 500 consultation tlga..ako binabayaran ko 1,200 kasama na calcuim vit,folic acid,multivits ob tig 30 pcs un..good for 1month...d pa kasali ung ultrasound..trans v is 1k

Sa akin 500 per checkup. Separate cost ung sa ultrasound. Yung meds naman irereseta lng then ako ang bibili sa drugstore. Mura na yung charge syo if checkup, ultrasound and meds for 30 days ang kasama.

Mura na po yan kasi may transv na kasama. Next time wag po kayo mahiya magtanong sa ob or sa secretary ng breakdown ng binayaran nyo. Importante po yun para di nyo pagdudahan ang ob nyo lagi. 😊