Magkano po ba talaga pacheckup
Ask ko lang magkano po ba talaga magpacheckup? 8weeks preggy palang ako pero yung nireseta sakin Folic Acid 30pcs lang pero siningil ako 1k ng Ob. Ayan po sa picture yung Folic acid at ultrasound ko. Sabi ng byenan ko baka kala mayaman ako kaya siningil ako ng ganun kalaki kasi ang mahal daw masyado ng siningil sakin.
Mura na yan Mamsh, kami nga ni Jowa 2,350binayaran, trans v pa lang un at ewan kung anong eksena pa ng OB di pa kasama dun yung mga vits ha. naka 2800 kami sa vits and duphaston kulang pa yun.
mura na sya momsh..saken kasi nun transv ko 800 tapos 600 check up tapos folic nasa 5pesos ang isa ata nyan. Kung 30pcs binigay nya sayo nasa 150 dn. Aabot ng 1550 ĺahat, mura na po sya.
mura pa po yan, ako nun, tranv na ulatrasound 2000 plus na, yung gamot reseta lang at consultation binawas lang sa hmo card ko bumili pa ako sa labas ng gamot na almost 500 pesos worth
Mura na Po yan sissy sa kin po unang laboratory pa Lang 1,370 na bukod pa yung ultrasound and check up ko 600 pati po yung ni reseta na mga vitamins at folic sa labas pa namin binili
Sa akin nga sis 400 check up tas 950 Tvs Ultrasound wala.pang kasamang vitamins.. Folic acid at Calcium ang ni resita sakin! mas mura nga sa yu 1k lang hininge kasama pa vits. mo..
Ang mahal naman. Dun po sa Makati Med kay Dra. Rajagukguk OB ang check up po sa kanya 600 lang. Makati Medical Center pa yun ha. Sya ang pinaka mura maningil dun. Ung iba kasi 1k
depende yan sa ob sis iba iba kasi singil nila, next time try to ask before ka magbayad para sure ka, you can choose not to buy naman if kulang sa budget like kalahati muna.
Mura na yan sis sakin kasi ultrasound ko 1500 na dipa ksama consultation ni Ob dun at gamot na folic nung first trimester ko 😊 mas madme kapang aabangan na gastos sis
mura na nga yan. saken transV q 900. check up 370 ung iberet folic sa mercury q na binili 7pcs. 189 na agad eh need un ndi lang 30 pcs. kc 2 times a day q sya iniinum
baka po sa private ka nagpa check up mahal po tlga pag dun. meron po sa center malapit sa place nyo o sa public lng po mas mura, minsan libre pa po yung gamot binibigay
Lucky to have a child ?