114 Các câu trả lời
Depende po yata sa husay ng OB Sonologist at sa pwesto ni baby. Sa akin kasi nakita agad ni OB 3 months pa lang. Di pa nga ako convinced kasi baka masyado pa maaga pero sabi nya 100% sure na sya na girl baby ko. Then monthly inuultrasound nya ko, consistent na baby girl daw talaga. Tama naman, nanganak na ko girl nga. 😊
14 weeks 3 days po :) girl daw . Tapos next ultz ko tinanong ko ulit para sure . Ayaw ipakita e. Pero wala naman daw lawit nung nag 32 weeks ako nagtanong ulit ako hahahahahhahaha
20weeks ko nakita ung gender ng bby ko. Talagang inalog namin sya sa loob para malaman haha. Nakaclose kase hita nya e. Mahinhin kasi babae pala.
Depende sa position.. Saka Mas madali din makita pag lalaki.. Sakin 14 weeks nakita na.. Tuwing check up din kc inuultrasound ako ng ob ko..
Aq nagpaultrasound ng 6mnths c baby kaso di pa nakita kasi nakadapa cia. Nagpaultrasound ulit kami ng 7months ayun saka lang nakita
Sa bilang ko 16 weeks plng pro nung ng pa ultrasound ako.. 20 weeks na at kita na gender dpndi lng tlga sa position ni baby
22 weeks po nung nagpaultrasound ako momsh. Alam ko po makikita na pero depende pa din po kasi sa posisyon ni baby.
Ako mag 4 months palang nagpakita na ng gender ang baby ko.Inulit pag ultrasound nung 5 mons.lalaki talaga
24weeks yung samen para sure na makikita 😁 5 months onwards nakikita naman na daw yung gender mommy
18 weeks na rin ako now pero plan ko magpaultrasound pag 20 or 22 weeks na ko para sure..