CS vs. normal delivery

Ask ko lang, bakit may mga mommy na ayaw ng CS? mas mahirap ba ang CS compare sa normal? kase for me parang mas okay ang CS kase di ka na maglelabor pa. #CsDelivery #CSMom #firsttimemom

55 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal delivery with my firstborn, recovery was quick, paguwi namin ng house nagloload na ako ng washing machine. 2nd baby naman is emergency CS. Recovery took longer. Right after delivery, pain was so bad ang hirap tumayo from the bed and even humiga. Yung surface hindi naman ganun kasakit. Yung loob ang ramdam ang sakit. They also won’t allow you to go home hanggat Hindi ka nakakapoop so pikit mata akong nagpalagay ng pampapoop sa nurse. Also, Medyo traumatizing din yung surgery. Your arms will be spread na parang pinako sa cross. Lalagyan ka din ng catheter.

Đọc thêm
Influencer của TAP

I'm a first time mom, at na CS ako due to double cord coil si LO. Ayaw ko sana noon pero need na I CS ako para sa safety ni baby. 1 year na si baby ko, pero nararamdaman ko parin ung kirot nung naoperahan sa akin, lalo kung magtry ako mag sit ups, require kase kame mag pft dahil sa work. Tinitiis ko lang talaga. plus masakit talaga yung likod na pinagturukan ng anesthesia. Pero sabi ng OB ko, kung gusto ko daw mag normal sa susunod, I need to wait for 5 years para makapag VBAC. baka magpa CS na lang ulit ako kapag hnd kame makapaghintay ng ganun katagal.

Đọc thêm

bukod sa matgal ang recovery ng Cs malaki din ang binbyadan pag CS .kaht public osptal lang...kaya pinipilit ng iba n normal tlga .. ako nagbbuntis palang lagi nmin knakausp si baby pag ilalabas n nya wag nya ako phhrapan labs agad sya .kase wala kming malaking pera na ipon kase asawa ko lang may wrk ako stop na.kaya lagi kmi pray na normal ..mahrap man maglbor pero d nmn super mamroblema sa financial....di bale sgro kung may kaya kmi ..pag di tlaga kaya inormal CS tlga..para sa safety nmin ni baby ..

Đọc thêm

I think people should stop with the notion na matagal recovery ng CS as it isn’t true for everyone. I’ve undergone CS and di naman matagal recovery ko. Yung incision site ko din, mabilis nag heal. Nakagalaw galaw din ako agad even after undergoing the operation. You can always aim for NSD but at the same time always prepare just in case may mga di inaaasahan and things won’t go as planned.

Đọc thêm
2y trước

Hindi pare pareho katawan ng mga babae. 😅 Kung sayo mabilis ang healing then good for you, maaaring sa iba e hindi tulad ng sayo na mabilis at madali ang healing process. :)

it's all in your mind po. kung ano lang ang naiisip ninyo sa isang bagay yun lang yun. halimbawa pag normal del sabi masakit literal bubuka ang pipi mo imagine dun lalabas si baby ;) pag cs naman walang sakit hihiwain ang tiyan, mahirap kumilos pagkatapos dahil sa sugat, may pilat na malaki. parehas lang na masakit actually. kahit alin pa sa dalawang yan ang importante safe ang mommy at si baby. kasi pag nanganganak ang isang babae yung isang paa nya nasa hukay na.

Đọc thêm

ako naCS ning july after 1 week ok naman na ako nakakakilos na ako ng ayos,, mahal nga lang ang Cs, kaso kinailangan kasi di na kinaya ang labor, 16hours naglabor di kinaya ang puyat, pagod at gutom kaya para sa safety namin ni baby napilitan na kami ni mister ko na magpaCS. para sa akin pareho lang naman yan mapaCS o mapanormal, kasi parehong nakabaon ang isang paa mo sa hukay, ,

Đọc thêm
2y trước

yes mi.. totoo

No need naman mag argue if ano mas ok.. Normal delivery ako and luckily w/o stitch down there.. As per my OB mas mabilis makarecover ( but depende na talaga sa pangangatawan ng mommy) may kilala din ako na CS( okay naman sya need lang din mag double ingat sa tahi nya since ilang buwan pa lang nakakalipas nung manganak sya) If di talaga kaya ma normal then GO sa CS ang importante maayos kayong makaraos ng baby mo.

Đọc thêm

na cs ako nung first baby ko kahit almost 24 hrs ako naglabor tapos now candidate ulit ako ng CS pero gusto ko itry inormal .. grabe kasi effect ng anesthesia sa katawan ko. konting lamig lang sumasakit na balakang ko ni hindi ako makatagal umupo o kaya tumayo . lagi na din sumasakit ulo ko . pero pag cnabi nila na talagang CS ako .. no choice lasi para sa kaligtasan naman ni baby eh

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ako mas preferred ko magpa cs kesa mag nsd at mahirapan sa labor. Nakailang surgery nako in my life hahaha sa ibang parts ng katawan. Kaya sanay na din ako. Also, hypertensive and diabetic kasi ako. Ayoko na irisk mag nsd at alam kong anytime pwedeng may mangyaring di magandan sakin or kay baby. Mas mahal lang kasi cs kaya usually din mas gusto ng karamihan e nsd.

Đọc thêm
2y trước

tama po kayo, minsan its a matter of choice po talaga and if willing naman si mommy na magsacrifice ng konti for recovery. and minsan no choice talaga pag kailangan na i-cs because of complications

for me.. mas ok ang normal delivery,normal delivery ako sa dalawa kong anak.. sa bunso ko na emergency C.S ako,natuyuan na ng panubigan pero di pa din nahilab,1day na ako confine sa ospital perp 1cm pa din di nabago.. ok naman ang c.s kaso dapat malakas ang loob mo din lalo pag tusukan ka na anesthesia spinal😅 dun lang ako mejo nasaktan at ninerbyos..

Đọc thêm