CS vs. normal delivery
Ask ko lang, bakit may mga mommy na ayaw ng CS? mas mahirap ba ang CS compare sa normal? kase for me parang mas okay ang CS kase di ka na maglelabor pa. #CsDelivery #CSMom #firsttimemom
I would compare it to a Purchase of an expensive item.. Normal Delivery is like paying it in a lumpsum.. Kumbaga, isang sakitan na lang after few days/weeks, mas madali ng makarecover yung body mo. Although syempre may mga adjustments but, it's just the natural way of your body to cope up dun sa changes na nangyari sayo during your pregnancy and child birth. While in CS is like installment, the process of healing is actually dala mo hanggang pagtanda..😅.. +interest kasi may mga bagay kang dapat ng ilimit like magbuhat ng mabigat, di ka agad pedeng mabuntis kasi may risk yun, and more expensive.. Di mo ganun karamdam, yes at first pero as you gradually gets old mas mararamdaman mo yung side effect nun.. Both have risks on their own, pero kung titignan mo in the long run, mas matagal and mas nakakastrain ng body yung CS delivery than normal kaya din siguro mas pinipili ng madami ang normal delivery. But remember po, whichever you choose o kahit hindi mo pinili pero yun ang naging way para mailabas si baby, our goal as a mom is to deliver our baby healthy and safely.. ☺❤
Đọc thêmBased sa mga kaibigan kong na CS, kapag malamig ang panahon kumikirot daw ang tahi nila. Hindi ko alam kung totoo yun dahil normal delivery ako nung nanganak ako. Ang daming mga nanay na nakikipag-away pa kung anong mas mahirap, ma CS ba o normal? Pareho lang yang masakit, parehong 50/50 ang buhay natin, parehong nagsasacrifice tayo para sa anak natin. Pare-pareho lang tayong mga nanay kaya bakit pa nagtatalo-talo yung iba? Oo kapag normal delivery ka madali ka lang makarecover pero hindi ibig sabihin e hindi na kami nasaktan. Masakit mag labor. Mahirap umire kung alam nyo lang mauubos ang lakas mo kakaire. Tapos kapag wala ka ng energy yung iba naCCS na. May tahi din kami, kung saan lumabas ang bata tinatahi yun. Ang mga na CS mas matagal ang recovery kesa sa mga normal delivery na nanganak. Hiwain ba naman yung ilang layers ng balat mo e. Tapos yun nga sabi ng mga kakilala ko na tuwing malamig ang panahon kumikirot ang tahi nila. Tsaka mas mahal pa ang gastos ng CS. Mahihirapan ka pa mag karga sa baby kaya need mag binder. Parusa din daw kapag nagkaubo ka.
Đọc thêmBoth my children were born via NSD. Sa panganay ko palang dahil hirap na hirap ako sa labor gusto na ko ipa CS ng husband ko pero kahit sobrang sakit na ng pakiramdam ko I still opted to feel the pain during the labor kesa ma CS ako. Sa NSD kasi after a week or 2 okay ka na, balik normal na ang kilos, makakaligo ka din ng di nag woworry na baka mabasa ang stitch mo unlike sa CS. Matagal ang recovery pag CS, pwedeng healed na ang labas na hiwa pero sa loob hindi pa, kaya andiyan pa yung worry mo na baka bumuka kaya restricted ang kilos. Yung anesthesia na tinutusok sa spine in the long run nag cacause ng back pain. Bilang isang mom na nanganak via NSD, bilib po ako sa mga CS moms kasi grabe ang hirap ng recovery. Hindi biro. Both type of deliveries have pros and cons, kahit anong klase pa ng delivery yan lahat yan may kasamang pain. Painful but worth it para sa mga anak natin. ❤️
Đọc thêmpasali 😁although firstimer ako manganganak sa dec o january. Ung cousin at friend ko CS din ung friend ko ayaw na magbaby nahirapan daw tlga sya sa CS at un nga daw sa turok maskit. Ung sa pinsan ko 1 yr lang pagitan ng 2 nyang anak both CS okay naman sya pero un nga same sa friend ko ung sakit sa likod ang iniinda lalo kapag malamig. Kaya ako gusto ko din sana ng normal delivery gusto ko maramdaman ung pain ng pag iri at mas mura kse sya sa package ng OB ko 🤣 70k sa normal 100k+ sa CS nsa probinsya pa ako neto at semi private amg ospital na pg aanakan ko 😁 pero if di naman kaya manormal tlga dahil feeling ko malaki ang baby ko wala naman problema kung CS may mat 1 naman na mukukuha sa SSS plus ng iipon na din kme ng pera talaga. Pero gusto ko kase sana masundan agad si baby ng 1 yr e kaya gusto ko sana mag normal ☺️ naghahabol kse kme since 33 yrs old na kme ni husband.
Đọc thêmFTM din po ako, updated ako lagi sa lahat ng follow check up ko, umiinom ng mga vitamins, gatas and masunurin po talga ako sa ob. ko, kaya ok sakin lahat di ako highblood ok di din mataas sugar ko and sa 2.5 ni baby kayang kayang inormal, but this september 1 na CS at 37weeks, nakatae na daw sa loob si baby at wala na daw ako panubigan at mag to2cm palang daw ako, kaya nagdecide husband ko na ics nalang ako, di mo talaga alam kung anu mangyayari sa oras na manganganak ka na just be prepare, and pray lang kasi for me sobrang hirap pag cs ka, mahirap kumilos mahirap gumalaw and feeling ko pabigat pa ako sa husband ko, and butas talaga ang bulsa mo, di mo pa maalagaan c baby, basta pray ka lang momsh.. have a safe delivery
Đọc thêmKung ang pagbabasehan ay "pain" sa panganganak pareho makakaranas ng sakit dyan.. Sa labor kung normal delivery napakasakit nyan talaga pero after manganak mas madali recovery.. Sa CS naman napakasakit mainject ng anesthesia sa likod naka C-shape pa sa surgical bed para maitusok yung needle sa spinal na napakahaba.. After manganak via CS andami pa pagdadaanan para makagalaw ng matino napakahaba ng recovery kelangan alagaan din ang tahi... Btw CS mom of 2 here at nakaranas din ng labor sa first baby na di bumaba kaya na emergency CS.. Kung kaya inormal mas Ok yun.. 2nd choice lang naman ang CS kung kinakailangan para maging safe both mommy and baby.. At totoo napakamahal ng CS.. Pray lang palagi🙏
Đọc thêmIba-iba naman kasi ang tao kaya iba rin ang healing or recovery for everyone. Kung normal naman pagbubuntis mo at walang ibang sakit na ni-manage sayo mas mabilis recovery. Ako na CS pero di naman ako nahirapan mag recover. May IV & oral meds for pain during my stat sa hospital then as needed nalang nung umuwi ako. Nung pinayagan din ako gumalaw, gumalaw galaw na ko kasi na notice ko mas mahirap recovery kung ililimit mo msyado movement mo. Palagi lang ako naka binder nun so mas makakagalaw ako without having to worry so much about my stitches. Nag labor ako before ma emergency CS, mas masakit pa yung labor kesa sa operation, promise. Hehe
Đọc thêmnaglelabor naman talaga lahat. but best po if nsd. if kaya mainormal then go but if risky na cs na lang. minsan may na ccs due to some reasons. for me mas ok kung nsd kase takot ako at ayoko sa hiwa na malalaki. ayoko rin magka keloid. although my hiwa ng kunti yung down there ko pero di naman masakit. pagkapanganak after an hour nakakapaglakad na ako. i think mas mabilis makarecover sa nsd after a day ok ka na. based from my own experience po... may neighbor din kami na cs mabilis din siyang naka recover pero palagi naman sumasakit yung likoran nya dahil daw sa injection nong nanganak cya.
Đọc thêmkaya nga may na ccs due to some reasons. yung iba may sched na before pa sila mag labor dahil risky if mag nsd
Iba2 naman ang tao. Di porket CS matagal na ang recovery. CS din ako last June. Pinagdasal ko din sana na normal delivery, ingat ako nung nagbubuntis, normal lahat ng labs ko and maintained ko weight ko pati yung sa baby. Na induce ako and after almost 14hrs di naman ako nag dilate so ending ko CS. Medyo pricey talaga sya pero yung safety naman namin mag ina yun kaya pag iniisip ko worth it naman. Di rin ako nahirapan mag recover, mabilis natuyo sugat ko and key din siguro na need gumalaw galaw pag in-allow na ng doctor mo kasi mas mahihirapan ka pag nakahiga ka lang lagi.
Đọc thêmsa NSD kasi one week ok na tabi mo, 1-2 yrs pwd ka na manganak, Sa CS kasi bukod sa hihiwaan ka matagal ung pag heal ng sugat kasi ilang layers ba ung hiniwa diba? ung iba kasi wla pa 1yr na CS buntis agad eh. Pero sympre iba iba kasi ang tolerance ng tao. Pwd sa iba madali at mahirap. Pero for me syempre NSD ang gusto ko. Ang ate ko CS pero after 5yrs hnd na sila nagbaby kasi mahirap at saka un nga parang mag nararamdaman na sakit sa likod etc. prehong risky at nakakamatay lalo if pabaya ka,OB at hospital. Kaya ang payo ko wag mag anak kapag hindi pa tlaga ready.
Đọc thêm