#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello po doc.ask ko Lang po Kung normal Lang po talaga itong mararamdaman Kong sakit SA pagitan Ng MGA Hita ko.hindi na po AKO makalakad masyado.kabuwanan Kona po,at this 20 na po due ko.maraming salamat po...

Hello doc good day! 6mos buntis po ako.. Ask ko lang if normal lang po ung pagsakit na parang malalaglag ung vigina ko tuwing gumagalaw ako at lalo na pag nakahiga ako? Thank you po and godbless.☺

Panu PO di ako mka pag pacheckup po KC PO nka quarantine PO dapat PO check up altrasound PO ako my baxin pa PO need kopo vitamins Anu po Kaya un nlang po ulit inumin ko vitamins PO UNG huling vitamins PO tnx

92. Inuubo po ako, 5 month pregnant..nka inom napo ako ng cefuroxime good for 1 week at may nerisita po sakin na nebule na Budesocort at may isa pa..peru till now may ubo pa rin ako..hikain po kasi ako..salamat po

6y trước

Hello po maam , nasunod nyo po ba yun mga nireseta sa inyo? Good medications po yun maam for asthma control. IMportante po kasi hindi kayo inaatake lalo na po at buntis po kayo. if patuloy pa di po ang ubo ninyo despite medications, baka need nyo na po mag pa check up maam, ang patuloy po kasi na pag ubo ay pwedeng mag cause ng uterine contractions/ paninigas ng tyan na pwedeng maging sanhi ng preterm labor. Iwas po kayo sa mga nakaka trigger ng pag ubo nyo: usok, alikabok, pets(pusa/aso na mabalahibo), dapat po madalas po kayo mag palit ng mga kobre kama/linens sa bahay. Pwede po kayo mag antihistamine, Cetirizine 10 mg/tab once a day at bedtime. Ingat po and pray po :)

I'm 33 yrs old..37 weeks pregnant..normal po ba na madalas sumasakit ang tiyan..ung parang sumisikip ung tiyan tpos minsan parang masakit pwerta na parang my regla na lalabas..ganon po kc nararamdaman ko..

87. Hi po..doc 6mos na po ako nakapanganak pero mejo malaki pa din po puson/tiyan ko.pure bf po ako sa baby ko.ngayon lang din po ako nagkaron after giving birth.sobrang lakas po.normal lng po ba yun?salamat po

6y trước

Salamat po doc..keep safe po at ingat po.. God bless 😇

3. Hi Doc, mageexpire napo yung inject (1st time) ko (contraceptive) sa april 27 since lockdown po magswitch po ako sa pills. Ayos lang po ba na uminom na ngayon or antayin ko pa yung april 27? Thank you po

6y trước

Thank you po. Keep safe po always. Godbless

19. Good day doc, i.stopped taking duphaston/ aspirin po kc nhihirapan mo ako sa side effect. 11w 5dys po ako preggy and i havent beem checked by my ob if ipagpapatuloy ko ung mga meds ko.. thanks po

6y trước

Hello po maam, mas okay po if ma contact nyo po sana ang OB nyo if need pa po nyo icontinue ang medications, if may APAS po kasi kayo or at risk for uterine contractions/ threatened miscarriage, need po i continue lang ang mga gamot na ito :) If constipation po ang problem nyo, increase your dietary fiber and water intake po :) Ingat po and pray .

6. Doc nalilito po ako sa EDD ko. FTM, 30yrs old. LMP ko po is Nov 20-24, 2019. Tama po ba na Aug 27 2020 ang EDD ko? Parang advance po kc ako ng 1 week according sa ultrasound. Alin po ba susundin na EDD?

6y trước

hello po maam, EDD nyo po based sa LMP: AUG 26, 2020. If regularly menstruating po kayo(buwanan at regular and interval) at walang PCOS or hormonal problem pwede pong ito ang sundin ninyo. If irreg na po ang menstruation (hindi buwanan, lagpas more than 40 days interval) better if un EARLY ultrasound ang susundin po. Ultrasound ni baby na ginawa before 12 weeks AOG. un mga sumunod po na ultrasound beyong >13 weeks, is for growth monitoring , check amniotic fluid at placenta, pwedeng may 1-2 weeks difference na po kasi based na po ito sa measurement ng paglaki ni baby. Better din po i correlate nyo sa sinusunod ninyo ng OB mo na AOG during your check ups :) Ingatpo and pray.

Hi doc...42years old na po ako,6weeks preggy po.anu po bng pwedeng inumin since d po ako mkpagpacheck up.i had a blighted ovum 5 years ago kaya ingat n ingat po ako ngaun lalo n po at me edad n ako