#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

92. Inuubo po ako, 5 month pregnant..nka inom napo ako ng cefuroxime good for 1 week at may nerisita po sakin na nebule na Budesocort at may isa pa..peru till now may ubo pa rin ako..hikain po kasi ako..salamat po

6y trước

Hello po maam , nasunod nyo po ba yun mga nireseta sa inyo? Good medications po yun maam for asthma control. IMportante po kasi hindi kayo inaatake lalo na po at buntis po kayo. if patuloy pa di po ang ubo ninyo despite medications, baka need nyo na po mag pa check up maam, ang patuloy po kasi na pag ubo ay pwedeng mag cause ng uterine contractions/ paninigas ng tyan na pwedeng maging sanhi ng preterm labor. Iwas po kayo sa mga nakaka trigger ng pag ubo nyo: usok, alikabok, pets(pusa/aso na mabalahibo), dapat po madalas po kayo mag palit ng mga kobre kama/linens sa bahay. Pwede po kayo mag antihistamine, Cetirizine 10 mg/tab once a day at bedtime. Ingat po and pray po :)