#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!

Sasagutin ni DR. KRISTEN CRUZ-CANLAS, isang OB-GYN, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng buntis at ng mga babae. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: - Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. - One comment lang po per user kaya itanong na po lahat ng gustong tanungin sa isang comment. - Ilagay na po lahat ng detalye sa comment: edad, weeks ng ipinagbubuntis, question at ibang impormasyon na relevant sa tanong. - Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with OB-GYN, Dr. Canlas!
359 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

6. Doc nalilito po ako sa EDD ko. FTM, 30yrs old. LMP ko po is Nov 20-24, 2019. Tama po ba na Aug 27 2020 ang EDD ko? Parang advance po kc ako ng 1 week according sa ultrasound. Alin po ba susundin na EDD?

6y trước

hello po maam, EDD nyo po based sa LMP: AUG 26, 2020. If regularly menstruating po kayo(buwanan at regular and interval) at walang PCOS or hormonal problem pwede pong ito ang sundin ninyo. If irreg na po ang menstruation (hindi buwanan, lagpas more than 40 days interval) better if un EARLY ultrasound ang susundin po. Ultrasound ni baby na ginawa before 12 weeks AOG. un mga sumunod po na ultrasound beyong >13 weeks, is for growth monitoring , check amniotic fluid at placenta, pwedeng may 1-2 weeks difference na po kasi based na po ito sa measurement ng paglaki ni baby. Better din po i correlate nyo sa sinusunod ninyo ng OB mo na AOG during your check ups :) Ingatpo and pray.