18 Các câu trả lời
sobrang hirap maging nanay lalo na kung wala kang makukuhang physical at emotional support. may times na parang sasabog na ang puso at utak mo pag umaatake ang depression. swerte mo kung mabuti ang asawa mo at natutulungan ka. kadalasan mga lalaki ngayon kung mura murahin at pagsalitaan mga asawa nila kala mo mga katulong nila e. yung friend ng kapatid ko dito sa cavite cs sya. simula umuwi sila sya na nag alaga sa baby nila. lagi pa daw sila nag aaway nung asawa nya. sa sobrang pagod daw at stress nabinat yung friend nya. pero nagagalit daw yung asawa pag nagsasabi yung girl na gusto munang magpahinga kasi obligasyon daw yun bilang nanay. maraming sama daw ng loob at sobrang pagod at puyat. isang araw na lang nagpakamatay yung babae sa depression.
Kausapin mo lng ng maayos. Magpabasa ka ng articles tungkol sa nararamdaman mo at pagod mo. Kung di sya makikinig at walang magbabago wag mo nlng syang pansinin at ituon lahat ng oras at pagmamahal kay baby. Masstress ka lng kase momshie makakasama kay baby pag stress ka kase nararamdaman nya yon.. Mag iisip ka lng ng mag iisip. Tapos baka si baby imbes na maalagaan mo mapabayaan mo dahil sa stress na yan.
I feel u momshie! ganyan na ganyan asawa ko ung tipong excited si baby makita sya tapos ndi man lang kakargahin ung tipong makaarte e sya na ang pinakapagod na tao sa mundo! pagdilat pa lang ng mata cp agad hawak ni ndi man lang matignan ung anak.. mas may quality time pa sa cp nya at mas nakakainis pa parang taong di susi na kung kelan mo susian dun lang gagalaw! sarap patayin!
OMG! kairita naman nian momsh.gigil ako. nakuu pag asawa ko yan ewan ko na lang. iba kc asawa ko. di ko sya kinakausap at iniintindi mga needs nia kapag alam niang pagod na ako kaka alaga sa bby namin, gets nia na un. kc naglabasan na ung emotion ko na un sa kanya. haha kaya ngayon tulong2 na kameng dalawa sa pag alaga kay baby namin. Usap at Confronation lng kailangan jan momsh
Ganyang-ganyan ang asawa ko sa una lang magaling, kaya ako kpag inaabot na ng topak nagpapahatid ako sa nanay ko sinasabi ko talaga sa kanya doon muna kame kahit 1week lang para may aalalay sakin kay bibi at hiyang-hiya ako sa kanya at istorbo pala kami ng anak nya sa pagtulog nya matulog na lng kako sya ng matulog ayun medyo nahihimas-masan naman sya..
Buti nalang masipag asawa ko. Simula't nabuntis ako di ako pinabayaan hanggang ngayon manganak ako. Sa gabi sya nag aalaga sa baby namin. Gigisingin nya lang ako pag dina nya tlga kaya yung antok. Kaya labs na labas ko asawa ko. Pakatatag lang mami. Kaya mo yan.
yung asawa ko ayaw masyadong kargahin si baby dahil iyak nang iyak sa kanya. Ang ending Ako most of the time Ang mgkarga. Nakakapagod din Minsan . ..Lalo na pg gigising si baby bandang 3am tpos natutulog past 7 am na 😢
Pag usapan nyo po. Ako lip ko after work magbibihis lang pambahay tas merienda then kukunin na si baby. Sa madaling araw naman kapag alam nyang puyat ako, sya gigising. Gigisingin nya lang ako kapag need dumede ni Baby.
Swerte mo naman momsh. 😭 Ako kasi kahit pagod na pagod di na lang ako umiimik kasi pag umimik ako, ako pa aawayin. Sasabihin na lahat daw ng ginagawa ko, inirereklamo ko.
dapat may makapagsabi s kanya, ikaw din moms kahit minsan ba nakapagsabi kana nyan sa asawa mo? mahirap din sa part mo kasi, kahit minsan dapat pag usapan nio yan pra may solusyon,
Sis bat di mo try kausapin mga byenan mo para sila makapag guide sainyong mag asawa.
I-reverse psychology mo, at 'wag mongong pagsilbihan para valid yung pagiinaso n'yang kupal s'ya. Sorry pero nakakagigil eh
Mrs A