Approved na po kasi yung sickness na pinafile ko sa employer ko for 30 days. Mga second week pa lang po ng november. Tapos sabi ng HR for computation na daw po. May need daw po ako pirmahan gaya ng acknowledgement stub kayalang yung office namin sa manila nasa batangas ako ngayon. Simula kssi nung nagwork from home kami umuwi na lang muna ako sa probinsya namin. Huling update po sakin ng Hr ngayon ipapadala na lang daw po sakin yung mga need pirmhan tapos padala ko na lang sa knila ulit once naapprove tsaka daw po magdedeposit sa account ko. Ask ko lang po kasi naapprove na po sya via medical evaluation e. Diba po once naapprove n yun iaadvance na ni employer tsaka magfafile ng sickness reimbursement? Mejo naguluhan po kasi ako kung ano pa po yung need antayin nila maapprove bago sila magdeposit sa account ko o aantayin muna ata nila yung bigay ng sss bago nila ako bayaran. Hays ang tagal po pala ng process. Walang wala na ako may check up pa ako at naubusan na ako mga prenatal vitamins. :( Ang mahal din naman ng mga vitamins pati pampakpit. 😟Yan po email sakin ng sss branch kung san pinasa yung sickness notif ko. Mag2months na din kasi huhu