Anyone with the same experience mga mamsh?
Hello mga mommies, currently on my 29th week and 2 days. Nag start ang pregnancy ko na may subchorionic ako pero nawala naman din nung first trimester. Tapos nagka-cervical polyp ako. Fast forward ngayong 3rd trimester, March 8, lumipat kami ng hospital, ina-IE ako ng bagong OB ko. Then kinagabihan nung araw na yun nag-bleeding ako. Tapos nireport ko din naman agad sa kanya. Hindi naman siya nag-worry, niresetahan nya lang ako ng Duphaston. Pero after 2 days nawala din ang spotting ko, so di ko muna binili ang Duphaston kasi nga iniiisp namin baka dahil lang iyon sa pag-IE sakin na trigger ang polyp ko. Then biglang kahapon, ayun, may spotting. Uminom nako ng Duphaston last night. Then ngayong umaga, medyo dumami ang brown discharge. Kaya nireport ko agad Kay OB, sabi niya normal lang daw ito. Anyone na may same experience?