11 Các câu trả lời
Hi sis diagnosed ako with incompetent cervix. Nag miscarriage ako nung una at 16weeks. Ngayon week20 nag start mag shorten ung cervix ko. Puro bedrest ako at nilagyan ng pessary this week (week23). Para syang pang support sa cervix para mataas position. Sana di ko na need mag cerclage. Sabi ni OB mag iinject na din kami ng steroids soon para nman sa lung development ni baby if ever lumabas ng maaga. Kaya dasal mabuti na tumagal pa sya sa loob ng tummy. Kaya natin to tiwala kay Lord :)
Hi momi Joy Durusan, i came across ur comment abt Pessary. Meron din po ako for 1week na now. Im just 28wks,5days pregnant. May i ask po ano2 experience ninyo having a Pessary and kelan po sya tinanggal?
I was also diagnosed with incompetent cervix last Nov. 15. My OB adviced me to do bed rest for 3 weeks, no walking or any unnecessary movements. Also no sexual contact with my husband.
Me po.. start nung 5mos ako.. nkitang incompetent cervix ako kaya yung natitirang preg term ko nkabedrest ako.. need to stop my work tlga until birth..
hi mommy. kamusta po kayo ngayon?
Mommy pwede magtanong if paano nyo nalaman na incompetent cervix nyo? And anu-ano yung mga signs?
I can't say I'am lucky yet because we will be having a follow up check up to see if I will or will not continue my bedrest. Hoping for the best.
Nakikita po ba sa ultrasound yung incompetent cervix mga mamsh ?
Ang nakikita lang is opening na kahit 1st trimester p lang. May test n i conduct if mag positive that proves incomptent cervix
hi po ilang months kna po preggy?
Ano po yung incompetent cervix?
First pregnancy ko 2015 5mos bby ko sa tyan ko nang ilabas ko sya, diagnosis sakin ng ob ko is incompetent cervix so sbi nya may chance na next pregnancy maulit ung ganun kaya sa next pregnancy daw need ng operation pagtungtong ng 5mos ulit un ung cerclage. tapos now preggy ulit ako kabuwanan ko na ngyong october di ako na cerclage ksi ung una kong ob ayaw nya ewan ko ba dun tapos lumipat ako di ndn ako na cerclage ksi lagpas nako sa ideal week ng pasok sa ganung operation. kaya lang sa bahay lang ako alalay sa mga gawain at madalas uminom ng mga pampakapit.
Hi po, may patient ung OB ko ganyan. Binigyan ka na po ba ng steroid pang pamature ng lungs ni baby? Need po kasi iyon if incase na magpre term ka po atleast medyo ready na lungs ni baby.
Joy Durusan