Baby Milestone

Anung month po ba nagsisimula dumapa ang baby? Kusa lang po ba sila dumadapa or tinuturuan po natin sila? If so, paano nyo po sila tinuturuang dumapa? I have a 2 month old son, hindi pa dumadapa. I'm worried baka di nya kaya kasi mabigat sya. 😅. Sana may mkasagot. Thank you!

25 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

kusa po sila dadapa pag kaya na nila wag po i tulak para dumapa or turuan baka mmya nhirapan pala ung baby mo..wag masydong exited and don't ever compare ur baby to others. me mga babys na mabagal ang development at my baby na matured nmn ang katawan at nggawa agad ang ibang mga bagay. Just saying

Thành viên VIP

Normally 3-4 months mommy. Kusa po sila dumadapa pero dapat nagtatummy time na din kayo para sa head control ni baby. Minsan ang nangyayare if nakatummy time.. magsstart sila mapahiga ng kusa tapos next na nun yung pagdapa nila then magpapagulong gulong na po. 😊

Thành viên VIP

Tummy time aids newborns in doing roll over. Try to position your little one in the tummy three times a day. 😊 Also, trust your child's timing. Do not rush and never compare. 😊

Almost 4 months nagsimulang dumapa si Esang ko. Hindi ko siya tinuruan, nagkusa siya. Subok-subok siya hanggang makuha niya. Ngauon gusto n niya nakaupo, nakakandong at nakatayo n may alalay.

Akala ko anak ko lang natutong dumapa ng maaga 2 months and 3 weeks kaya nag aalala ako Kung normal ba yun.buti nakita Ko comments niyo medyo napanatag po ako.

Thành viên VIP

practice mo sya through tummy time, kahit idapa mo sya sa dibdib mo or unan sa lap mo. pag nakaya na nya i-angat head nya, next is mag rroll na sya ng kusa

4y trước

ung baby ko, 20days pa lang, naaangat na nya ulo nya ng kusa pag tummy time namin. minsan umabotpa ng mga 10 sec siguro ung angat ng ulo nya.

Thành viên VIP

Practice your baby thru tummy time po, kahit 30 seconds lang po. Kayo po ang magdadapa pero in a few months time kusa na siya dadapa.

Thành viên VIP

Mag4 si baby ko dumapa. Wag ka ma pressure mommy. Sabi nga nila magkaiba ang mga baby ng mega milestone may nauna at may nahuli

4 mos old si Lo ko nung dumapa. kusa lang din po sya dumapa mommy.. kaya wag po nagworry..

Thành viên VIP

Sa eldest ko 1month and 2 weeks. Sa bunso naman 2months. Pero depende sa baby kasi iba iba po ang milestones nila 💗