anu pong brand ng diaper na mdyo lower price but high in qulity na pang infants ang gamit nio po?
happy super dry po, huggies si baby before eh namamahalan ako sa huggies iihian and pupupuan lang naman ni baby hehehe so i tried different brands na same ng quality ni huggies pero affordable, i tried pampers dry - trial pack lang nabili ko ok nmn pero pricey eh. eq dry - di hiyang kay baby nagkarashes sa private part (i got it free sa testers online) playful diapers - nabili ko sa lazada ok nmn kaya lang un availability kc thru online lang (170 for 30pcs) super twins - di ko bet yes dry sya pero feeling ko mabilis mapuno and nagleak ang poop ni baby kase walang garter sa likod (225+ for 34pcs available puregold, sm, ever, super8) sweetbaby dry - ok sya mga 2months kami ng sweetbaby dry may garter sa likod clothlike din di ko na maala un price pero pumpatak na 7-8pesos/pc medyo pricey din pero maganda quality pang alternate ko sya pag wala ako mabili na happy super dry (available puregold, super8, ever, robinsons) smile super dry diaper - pero un availability din ang prob and parang may amoy papel sya ganun pero dry and absorbent medyo alangan lang un size din nila para sa baby ko,d ko na din maalala un price pero pumapatak na 6-7pesos per pc (available super8, robinsons dun ko lang sya nakikita pero recently wala n sa super8) happy superdry - cloth like kagaya ng mga nauna kong nbanggit may garter sa likod which i really like, absorbent and really dry pwede overnight d na ko nkkpgpalit ng diaper ni baby pag madaling araw deretso kc ang sleep nya pag yan ang diaper na gamit nya, kahit up to 6hrs usually pag nasa labas kami inaabot ng 6hrs bago ko sya mapalitan lalo n pag walang changing tables pero ok n ok pa din hindi irritated c baby. (188.20 for 30 pcs pero ngayon nkasale cya sa super8 179.70 for 30 pcs kaya nag hoard ako hehe, available puregold, super8, ever, robinsons) i also tried happy pants pero masyado pa malaki un size kay baby.. i hope makatulong sayo yan momsh..
Đọc thêmi think, any diaper will do. as long as wag mong papatagalin or mababad sa nappy si baby kasi maiiritate sya/yung skin nya at magkakarashes talaga. i used to change my baby's nappy kasabay ng milk time nya (pag alam ko na basa na) hindi ko na hinihinhintay na basang-basa sya at punong puno. medyo magastos sa diaper pero worthit nman na di sya magkakarashes/infection. eq dry yung gamit ng baby ko pero nagtry ako ngayon ng sweetbaby, naaliw kasi ako may "wetness indicator" sya. so far okay nman sya. pero i agree sa iba, iconsider din yung skin ni baby na baka maselan nga so try try ka lang ng maliit na pack muna den pag hiyang si baby at okay ka, yun yung ipagamit mo. :)
Đọc thêmI think pare pareho lang mga diaper, as long as lagi mo pinapalitaan sa oras yung baby mo hindi naman cya mag kaka rashes. Yung new born yung baby ko, pampers/huggies then may nakita akong mura. Sa may San Juan area bilihan talaga cya ng diaper.(savers up) Hindi cya branded pero OK naman cya, lagi lang ako meron mustela na diaper cream just in case na magka rashes cya. So far wala naman, ngayon Sweet baby dry naman cya, OK din. Mura pa :) pero kung ako sayo. Para medyo makatipid ka, mag cloth diaper ka na lang. Sa gabi mag diaper ka talaga, pero pag morning mag cloth ka para mas breathable. :)
Đọc thêmhuggies for us nagtatake advantage lang kami lagi sa lazada or shopee sale. nag hoahoard kami (since hiyang naman si baby) so lumakabas 6-7php per pc nalang siya same price almost ng eq or ibang murang diaper. but ang ginawa namin is bumili kmi ng lahat ng small packa ng eq, drypers,mommy poko, pampers, huggies. para macheck kung saan siya hiyang. sa eq and pampers hindi hiyang. so huggies kami kasi yun na pinakamura sa lahat
Đọc thêmmag pampers pants kana po para kay baby. hlos di din naman po nalalayo ang price nun sa Eq dry at huggies tapos sulit pa po. less lawlaw talaga kahit 12 hours na suot ni baby(if walang poopoo) 😅 hindi din po nagkakarashes si baby. maganda po talaga quality tapos nakakasave pa po ako kasi 2 or 3 times lang po nagpapalit si baby sa isang araw. kaya sulit po talaga pag pampers! 😍
Đọc thêmIf you really want to have diapers na medyo lower ang price at quality sya .... EQ dry po... you can check Lazada for super saLe diapers ... mas makakamura po kayo , promise 😊 Pampers and Huggies ok na ok pero pricey Lang talaga ... pero mommy depends pa rin kasi kay baby kung hiyang nia ang diaper na gagamitin nia , mura man or mahal ... 😊
Đọc thêmhi mommy im using EQ pants now... ive tried EQ dry as well but mas mura ung EQ pants... as long as hiyang c baby it doesnt really matter whether its Pampers, Huggies,EQ, etc. Although i have to admit first diapers ni baby is Pampers and Huggies. then the practical side of me came out heheheh, since hiyang man c baby sa EQ so nag EQ na ako.
Đọc thêmSmall pack muna ng diaper ang bilhin mo para masubukan kung ok kay baby... hindi puro price ang dapat tingnan kung di kung saan mas kumportable ang baby mo, kung saan hindi siya nagkaka-rushes, at siyempre maganda ang quality... aanhin mo ang mura kung uncomfortable naman si baby at hussle sa'yo kakapalit mo ng diaper dahil puno agad
Đọc thêmbased on experience, huggies talaga cheap but high in quality. pero after 1 month ni baby, nakahanap kami ito talaga CHEAPEST hahaha parang huggies din sya. sa palengke lang nakita ni mama. ok naman, di naman nagkaka rashes si baby. BABY ANNE ang tatak. try to search it on fb marketplace or shopee.
ung ginagamit ko sa baby ko ngaun wala xia brand pero ok naman xia gamitin para sa kanya.. hindi xia nagkakarashes..puregold diaper xia 30 pcs.135 lang..isip isip ko kc ok naman xia tsaka saglit lang nagagamit kc maya maya nagpopopo naman xia..kaya hindi ka manghihinayang kc mura lang naman