78 Các câu trả lời
First bakuna sa hospi, hindi ko siya nakita. Ang nakita ko na is first bakuna sa labas ng hospi at 6 weeks. Pagkatusok, tumingin siya sakin. Yung mukha niya parang super na betray ko siya 😂 Iyak saglit tapos tumahan nung pinadede ko. Ang pinaka iniyakan niya talaga so far was yung pangatlo kasi 3 tusok - Penta, PCV at IPV 😭 Pati ako umiyak nun sa HC 😅
sobra. grabee ang iyak nya. to the highest level. yun tipong na windang ako. di ako prepare that time na ganun pala ang effect ng vaccine sa baby. since am a FTM, halos gusto ko na din umiyak dahil diko alam anong gagawin ko that time. 🥺 kaya natatakot na ako every after ng bakuna nya. same scenario. 🥺
grabe mommy yes...naiiyak ako kase accomplishment na nabakunahan sha...but at the same time naramdaman niya ang injection. but temporary pain lang yun...lifetime safe naman sha dahil sa bakuna.
Hehe yes po! Iyak siya. Hehehe nakakaawang iyak na gusto mo kunin nlng sa kanya ung pain. 😢 Pero mas malaki ang magandang effect ng pagiyak niya kasi protektado siya. ❤️
first vaccine, bcg.. hindi namin nakita e, pero yong mga sumunod na nasasaktan din ako kaya tinitingnan ko talaga para man lang don madamayan ko sya sa sakit ☺️
yung unang vaccine ni baby di ko nakita kasi nainject sya nung pag kalabas ni baby. Pero ung after 6 weeks na next vaccine nya naaalala ko di naman umiyak si Jc.
Wala ako nung first vaccine (bcg) ni baby kasi nakaIV pa ako nun so yung daddy nya yung nakakita. At sobrang nakakadurog puso daw. 😭
Naku Inay 1st vaccine ayun sobrang iyak ni baby. Yung akala mong hindi na hihingi kakaiyak. 😅 nasanay na ko kasi tatlo na anak ko.
Kailangang gisingin kasi nakatulog sya habang naghihintay. tapos sobrang iyak sya.. Naawa ako kasi nilagnat agad sya paguwe namin..
yes po. grabe ung iyak nya pulang pula sya 😅 5 years old na sya ngayon at masusundan na rin im currently 22 weeks pregnant