Ugali Problems
Anong ugali ng asawa nyo ang pinaka ayaw nyo? ?
Mabilis siyang magflare-up. Yung tipong maliit na bagay, kunwari di lang naintindihan masyado sinabi ko kasi mahina pagkakasabi ko, naka"ANO??" agad with high-pitch. Naiinis sa napakasimpleng bagay tulad ng malamig ang soup sa kinainan namin sa labas or hindi agad dumating yung pinakisuyo niya na tubig sa fast food crew. Though hindi niya pinagsasalitaan ng masama yung crew, tititigan niya yan hanggang makaalis kami sa kinainan namin. Laging ganun. Pero sanay na ko. Tanggap ko yun sa kanya. Saka pag nagflare-up siyang ganun. Kapag sa labas ako ang tagakalma niya. Hahawakan ko lang ilong niya, ipepet ang hair niya hanggang batok or hahawakan ko kamay niya with smile, humuhupa na inis nyan. Pag sakin naman nainis kasi nga mahina pagkakasabi ko sa words at nag"ANO?" siya ng high-pitch, ako naman ang tititig sa kanya ng masama. Makuha-ka-sa-tingin poker face look ko. Tapos mageexplain na yan sa mababang boses na, "hindi ko kasi nadinig, mahina pagkakasabi mo. Alam mo naman mahinga tenga ko, ".. Tapos ako naman papakalmahin niya haha. Kasi ayoko ng sinisigawan naman ako. Para sakin lahat ng bagay nadadala sa mabuting usapan na hindi need magsigawan. Kaya titig ko palang, lie low na yan sa pagiging war lord niya.
Đọc thêm