531 Các câu trả lời
anxiety , depression , stress sa karelasyon. tapos nung time na dinugo ako spotting kahit gusto ko magpatingin dko nagawa dahil kapos ako non sa pera kaiyak din pag naalala ko. Im 25 weeks and 4 days now and sobrang risky ng pregnancy ko kaya sana gabayan parin kaming magina ng diyos na maging normal baby ko at mailabasko sya ng normal at wlang sakit. in jesus name
Physical matitiis ko pa pero yung mental at emotional torture na ginagawa sakin ng boyfriend ko, ayun yung masakit. Tipong okay lang mamatay ako dahil sa pangarap nyang mag sundalo na hindi na matutupad dahil nabuntis nya ako. Everytime na nag uusap kami hindi mawawala yung murahin nya ako. Palagi nya ring sinasabi na awa nalang yung nararamdaman nya sakin dahil hindi mapapalitan ng buhay ko ang pangarap nya.
25 weeks and 6days idk kung kakayanin ko ba talaga iletgo yung lip ko ewan ko parang hinde na kami nag kakaintindihan puro nlng kami away kahit sobrang liit na bagay, gusto ko ng buong pamilya dahil ayoko maranasan ng magiging anak ko ung naranasan ko, kaso diko naman matutupad na bigyan ng buong pamilya ung magiging anak ko kung ako lang yung may gusto at nalaban sa relationship namin ng lip ko😭
For me yung niloloko ako ng paulit ulit ng lip ko hanggang sa pinili nya yung babae then binuntis din nya, tas sinisiraan ako hanggang sa iniluwal ko baby ko. The girl also knew na kalive in ko yung guy pero mas inuna kati nilang dalawa so yun nakarma si girl kasi after nya mabuntis hindi rin sya pinanindigan ni guy. so far okay na ako and nakamove on na but so much trauma yung nangyari, Godbless
PULIKAT or leg cramps un po ata pinakamasakit na naranasan ko while preggy kasi yung pag sipa nila at pag siksik nakakayanan pa eh, naranasan ko ndn yung carpal tunnel keri lng dn nman pero yung pag pinulikat kna tas tulog ka pa ayun naiiyak nlng tlaga ko.. buti nlng nagigising dn agad si hubby para hawakan and massage ung legs and foot ko hanggang sa maging ok na..
need po talaga may kasama kang gising dn para i'massage ung legs mo to lessen the pain..
leg cramps, sakit sa balakang, isang beses na di makahinga (di ko alam kung bakit) nung check up day, usually I.E (kase babae doctor ko nun) 14 hrs of labor na kahit injection ng buscopan, humilab nga tyan ko di naman lumambot cervix ko sa primrose pati yung isa (forgot ko e at insert yon) ilang beses na I.E(to check my cervix if it is dilated na)
ung sasaktan ka Ng asawa mo physically at murahin ka pa....un Ang pinakamasakit na naranasan ko...Hindi nya naiintindihan Ang hormonal changes ng babae na buntis...nag iiba talaga Ang ugali minsan pero papatulan ka pa nya...d nalang lambingin ka or patahanin....un Ang masakit na masakit pero Kung sa pagbubuntis lang kaya Kong tiisin yan...
5 month preggy ako nung nalaman kung nangaliwa ang husband ko, pinaka masakit un kasi dala2 mo ang baby sa tummy tapos stress ka sa nangyari.. i really dunno kung bakit nagawa ng husband ko yun.. but now i survive.. napanganak ko ung baby ko ng matiwasay.. ipasa Dios ko nlng ung nagawa niya.. basta 4 me im happy with my kids..
nakita ko partner ko ngayon na malungkot. first sweldo nya sa bagong work nya pero paglabas ng result ng medical nya may pulmon sya sabi nya mas better pa pala sana na nagbisyo nalang sya kaysa di na makakapasok ng work ngayon struggling kasi akala namin dirediretyo na ang work nya pero napurnada dahil may sakit sya😭
I speak healing to your partner, in the mighty name of Jesus! Hindi maikli ang kamay ng Diyos 😊 at anuman ang isalita nia ay magaganap, I pray for the provision to your Family, Jesus loves you, Have Faith!
isa sa pinakamasaya at pinakamasakit na naranasan ko yung after 2yrs, nagbuntis ako, december 11 namin nalaman na preggy ako, december 16, sasabihin na sana namin sa parents namin na preggy ako. kaso same day, nagmiscarriage ako. pero ngayon, may dumating na ulit. 6 months on the way na ulit. ❤️❤️
Loida Pikit