Hirap makatulog
Anong mga technique or pwede kong gawin para mabilis akong makatulog sa gabi? Di ko kasi makuha ung komportable Ko na pwesto sa pagtulog.. ung maligamgam na gatas di effective sakin.. thank you. #pregnant #cantsleep
hindi effective sa akin yung wag matulog maghapon or nap lang. tinry ko na at ang hirap. hindi rin effective yung white noise nor yung wag gumamit ng gadget. dapat comfy ka sa pagkakahiga at presko yung paligid. at dapat antok na antok ka na talaga. wag ka na rin iinom mga 45 mins before your target time. sa lagay natin ngayon, mahirap talaga matulog. kaya if ever bawi ka sa umaga at hapon. ako nagtry na matulog ng 930 to 10pm pero nagiging ng 12 or 1am. magtry matulog pero 1 to 2 hrs lang ulit. kaya pag umaga after ng med ko ng 6am natutulog ako. paputol putol pa rin gang 11am. then aafter ng heragest ng 1pm iidlip ako. pagdating ng 4pm wala nang nap time. inadjust ko rin mga oras ng meds ko accordingly
Đọc thêmAko dati nong dec 2023, weeks pa lang tiyan ko non, Di rin aq makatulog mahigit isang buwan, nag-alala na ako kase ganyan din aq dati nong last pregnancy ko, dahil sa dala ng stress siguro dahil sa di makatulog nakunan ako nong mag 7 months, tapos nitong january nag ask aq sa mga Kaibigan ko ,ano ba pwd kong gawin para makatulog' Ang sabi niya magtabi ka ng Luya sa tabi mo habang natutulog, Sinubukan ko, Effective siya grabi, nakakatawa man isipin, Nakatulog ako, putol putol man pero sarap sa pakiramdam na nakatulog kana. Sis, try mo ito' wala namang mawawala kong susubukan mo.
Đọc thêmtry mo pillow support sleeping position... mahirap tlaga magsleep kapag Hindi comfortable. nka elevate ka Ng higa with lots of pillows, then may pillow din sa legs and paa mo try mo lng. then snacks ka lng Ng fruits before your preferred sleeping time.
ganito din po problema ko simula umuwi ng pinas. tulog ako ng 2am, then gising ko 10am. tas 5pm tulog ulit then gising ng 8pm. tas tulog na ulit ng 1am onwards. di ako makatulog, mag isa lang kasi ako. hinihintay ko uwi ng mister ko.
mkinig ka ng asmr.. ako till now un ung pampatulog ko since ngbuntis ako. ung mga facial spa,or skincare na asmr.. feeling ko nrerelax ako pag un ung nppkinggan ko sa gabi.kaya nkktulog ako agad.
Pray. Try journaling. Listen to calming music. Pwede din mozart, good for the baby din. Try to meditate din. Search mo lang :)
Ganyan din po ako noong buntis sa 2nd. Nakakatulog lang ako ng mahimbing kapag nagpatugtog na ako ng old songs. Try nyo po
mg nap ka lng ng 15-20 mins during afternoon. para maaga ka makatulog po.
if mag Nap sa tanghali maikli lang para mabikis antukin sa gabi.
huwag po matulog maghapon tapos maglakad lakad sa hapon.