9 Các câu trả lời
Depends on the situation and on the budget. First, if maglo-loan ako ng pera para makabili ng bahay through banks or PAG-IBIG with a low interest per annum and kaya kong bayaran monthly, I will grab the opportunity. The lot prices can move up higher within months lalo na sa developed places, kung pagiipunan ko pa, baka hindi na ako makabili if dahil lumalaki ang price. Plus, mas okay na rin yung gawa na (for me), kasi materyales palang plus the engineer, archi & labor malaking gastusin na. Hahanap nalang ako ng bahay na swak sa tatse ko.
Magloan ng bahay sa subdivision na matitirahan agad, which is our case now. We actually thought of saving first then buy a lot and eventually build a house. However, hindi kakayanin ng budget namin. Makaipon man ako ng pambili ng lupa, baka by that time, nag increase na din ang price per sqm. Then pataas pa ng pataas price ng materials. Tapos we have to pay pa the rent sa house namin. So with all things considered, mas fit sa financial status namin ang magbayad ng monthly amortization, which is the same lang sa rent amount namin.
Parang mas advisable po na magloan kaysa magipon. Ung loan na matitirhan po practical un isipin mo na lang po na nagbabayad Lang rent peri pagdating ng panahon magiging sa iyo na po. Atsaka required kang mag bayad monthly pag loan. Pag iipunin po kasi minsan may dumadating na circumstance na may emergency so dahil nasa Bangko lang po so madali lang withdraw po.
Magloan nalang ng bahay kasi habang tumatagal tumataas or naappreciate ang value ng lot. Yung 1m mo ngayon after ilang yrs paliit na ng paliit ung sqm nun. Might as well, magloan ka then ipambayad mo na sya sa Downpayment mo kaht half nun then magrerecompute naman yung monthly amortization mo
Mag-save ka nalang sa bank mo to buy a lot. Mas okay pa na ikaw mismo ang magpapagawa ng sarili mong bahay at least sure ka na hindi substandard ang mga materials na gagamitin. You never know ang quality ng materials sa subdivision.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-17173)
Loan po matitirhan nyo pa agad. Kc sa panahon po ngayon mahirap makapagipon lalo na kung pambili ng bahay lupa at mabilis po tumaas value baka pg my pambili na po kayo mas mahal na.
Loan kung wala pong ibang matitirhan na libre like sa bahay ng magulang habang nagiipon.
Loan is practical.