171 Các câu trả lời
Tahimik, but vocal on things that matter. Ayaw ko sa madaldal. Ang dating kasi sakin pag madaldal ang lalaki nagiging boastful sila at some point. 💁♀️ So ayun, nag asawa ako ng tahimik lang. Yung tipong hindi nakikipagtaasan ng ihi sa iba pag sa public pero pag kami lang magkausap contented ka kahit sa silence. 😊
tahimik pero very vocal naman sa nararamdaman. I don't like small talks and unnecessary convos. Naiirita din ako sa masyadong madaldal 😂 we're both introverts kaya tahimik buhay namin. magkaiba kami ng interests at trip sa buhay pero somehow nagkakasundo kami dahil sa personality namin.
Mas prefer ko yung asawang madaldal kasi dun mo malalaman kung ano Yung nararamdaman niya at kung ano Yung mga issue na gusto niyang maayos. Minsan kasi mas nakakabingi pa yung sobrang katahimikan.
yung asawa ko, tahimik. ako, madaldal. 🤣🤣 ayoko ng small talks. gusto ko kapag kausap ko sya, mahabang usapan. ending, maiinis ako hahaha. kasi di sya palasagot. hahaha.
Asawang madaldal ung pagiging madaldal ng asawa ko is naeexpress nya maigi ang knyang totoong saloobin. Pero pag ako ang nagdaldal tumatahimik ang asawa ko. 😂😂😂
Yung husband ko tahimik lang,pero vocal sya pag kami mag asawa nag uusap sa mga plano o desisyon,ayoko yung madaldal masyado kasi normal na ugali yan ng babae o asawa
Asawang madaldal kase tahimik ako eh😅 pero ung pag ka madaldal nya is hindi nakakainis madaldal sya sa mga bagay na binibigyan nya ng opinyon ..☺️
siya tahimik aq madaldal pag bumaliktad Yan Alam ko n galit yan wla tigil daldal at kuletin kp.aq nman pagtahimik galit aq iwas n siya 🤣🤣😆
asawang madaldal.yung tipong may sense of humor..mas sanay aqo na nkakapagkwento sya at may kasamang mga jokes..nakakawala ng stress 😊😊😊
mas gusto ko madaldal nalang, asawa ko kasi tahimik nakakairita pagkinakausap minsan di nakibo kung kikibo man di ako satisfy sa sagot hahaha