149 Các câu trả lời
Girl, mahilig kasi ako sa ayos ayos at porma hahaha saka malambing pag girl ☺️ tapos isasali ko sya sa mga contest, tuturuan ko sumayaw 😊 this feb 9 na ko pa ultrasound for gender 😁
Gusto po sana namin boy as a panganay. Pero madami po nagsasabi na baka babae daw pinagbubuntis ko pero di pa po ako nagpa-utz. Mapa-boy or girl man iaaccept namin as long as healthy si baby
Girl sana pero boy ung 1st baby ko. But I'm so happy pa din. 😊. Excited nko makita siya nakabili nko mga dmit nya, 😍 basta healthy ang baby ko un lang ang pnpray ko lagi. ❤️❤️
Boy... kasi pamangkin ng asawa ko puro girl.. wala nman problema kahit ano lumabas as long as healthy..pero thanks god at Boy lumabas nung nag pa CAS ako hehehe.. first baby ko 😍
gusto namin ni hubby girl sana ang panganay. Pero baby boy ang binigay aamin ni God. and super happy parin kami ni hubby. makulit na malambing si baby lalo na sa akin ❤️
Gusto ko panganay, boy talaga. Iba kasi kapag may kuya sa bahay, you know what I'm saying? So I prayed for it. Sooo here, I'm carrying a baby boy. ❤❤
Either po sa akin as long as healthy si baby. Pero ramdam ko po na gusto ng BF ko ng boy. Hehehe. Kaya tuwang-tuwa po siya nung boy po baby namin ngayon. ☺💙
kahit ano kasi may lalake at babae na ako ☺😁 pero dahil iba yong tatay ng lalake ko wish ng husband ko ngayon na lalake na sumunod sa anak naming babae.
Kahit ano po basta healthy. Pero sa side ng asawa ko gusto nila girl. Kasi lahat ng anak nila lalaki. Tapos yong tatlong apo lalaki padin. 😅
Boy sana kasi gusto namin ni hubby lalake ang panganay... kaso baby girl ang nasa tiyan eh, ok lang love na love namin si baby ❤️❤️💞👧